Join Philippines' career community

Share career tips and exchange stories with almost 2 million jobseekers – just like you

O
Oliver Dex · 27d ago
Administration Role
Bakit may ‘provincial rate’ pa rin ngayon? 😔 Kailangan ba talagang mamili sa sahod or pamilya? Ang tagal ko nang gustong umuwi.. miss ko na pamilya ko, sila yung lakas ko. Hirap na ko dito talaga sa pag-commute sa Manila. Pero bakit pag sa probinsya ka magtatrabaho, parang automatic mababa sweldo kahit mataas ang position at experience mo? Ganon na lang ba lagi?
R
Ruby · 27d ago
HR & Admin Officer
Provincial rate is one of those quiet injustices na di masyadong napag-uusapan pero damang-dama ng maraming Pilipino. Sana magkaroon ng mas maraming conversations and policies around this. Dapat hindi ito normal sa simula palang bakit sa ibang bansa fair naman sahuran kahit malayo sa city.
B
Bailey · 27d ago
Junior Analyst
Di ko nga din gets tapos bilihin sa probinsya tumaas din pero yung sahod mababa parin tapos yung sahuran naman dito sa Maynila di rin ganun kalaki onting taas lang sapat lang para may mapadala at pang gastusin pero para maka ipon parang kailangan ko pa ng isa pang work jusko
W
Wendy · 27d ago
Sales Executive
Totoo, parang built-in na ‘yung ‘provincial rate’ sa system, kahit same skills and experience. Nakakafrustrate kasi parang di pinapahalagahan ‘yung contributions ng mga nasa probinsya. Pero sana unti-unti magbago rin ‘to, lalo na habang dumadami na ‘yung remote work at local startups. Hindi dapat mamili sa sahod o pamilya. Dapat pwede pareho.
J
Jasmine · 27d ago
Marketing Manager
tulad mo lumuwas din ako para kumita ng malaki at hirap din iwanan yung pamilya di yung stress sa work yung mahirap kung di yung homesick pero need mag tiis para maka ipon at para naman sa pamilya natin yung pinapadala natin nakakalungkot lang sariling bansa naman natin to pero ang layo parin natin sa pamilya natin dahil limited lang offer sa provinces di sapat para maka buhay
A
Abegail · 27d ago
Junior Accounts Clerk
Sana mapagusapan yan at sana tumaas na din ang provincial rate para wala ng lumuluwas na mga taga probinsya sa Manila para di na mag kahiwa hiwalay ang pamilya. Pero nakakalungkot lang kasi hindi yan napagtutuunan ng pansin. Kagaya ko hirap na din sa Manila, pag commute palang papuntang work nakakapagod na.
R
Randon · 27d ago
Intern
fresh grad ako na nag baka sakali din sa manila at eto unemployed na onti nalang ipon walang mapadala di ko narin alam san ako titira at ayoko naman umuwi ng walang mabibigay 😢
S
SAIRA MARIE · 12d ago
Printing Staff
Dama ko na din hirap dito sa Maynila kahit 1 week palang ako nandito. Hindi din ako pwede agad umuwi sa Bicol ng wala man lang nangyayari sakin dito. Ang hirap din pala makakuha ng trabaho dito.

Want the full community experience? Get it on the app

Features are constantly being added from the ‘Career’ section of the Jobstreet app to this website. So, if you want an even better experience check out our app now.