Join Philippines' career community

Share career tips and exchange stories with almost 2 million jobseekers – just like you
A
Anon666129 · 13 Aug 2025
Junior Graphic Designer
Bakit ganun, nakapagtapos ka na ng 4-year course pero hirap pa rin maghanap ng trabaho? 😓 Akala ko basta may diploma, madali na! Pero ngayon, natapos ko na lahat, pero parang hindi pa rin ako graduate sa mata ng mga companies. Sabi nila, baka hindi ka kumikilos? Baka mali path mo? Parang may kulang, pero ano ba talaga? May ganito din ba kayong experience?
A
Anon036913 · 13 Aug 2025
Accounting Officer
Not gonna lie, this hits hard. 😓 Graduate na pero pakiramdam ko, hindi pa rin ako ‘qualified’ sa mundo ng trabaho. Parang nagka-diploma lang ako, pero wala pa rin akong identity sa career.
C
CareerChic · 13 Aug 2025
Assistant Supervisor
Totoo yan. Nakaka-down minsan kasi parang lahat ng effort mo for 4 years parang hindi enough. Hindi ka tinatanggap kasi kulang ka raw sa skills o experience. Pero diba, paano ko nga maa-acquire yun kung wala pa ngang tumatanggap sa akin?
A
AmbitionBelle · 13 Aug 2025
Marketing Staff
Relate me much. Akala ko rin noon, basta may diploma ka, okay na eh. Pero ngayon, parang every job post may '1-2 years experience required' agad. E paano nga makaka-experience kung walang magbigay ng chance?
C
Clark Iyan · 14 Aug 2025
Research Analyst
this hits really hard. ngl but this is so true! hirap na hirap ako maghanap ng work even graduate ako with latin honors (Magna Cum Laude) kaya ako napapaisip kung talaga bang may advantage tong pinaghirapan ko o talagang labanan lang ng experience? sana pala maaga na lang ako nag work. 🥲
D
DELETED · 13 Aug 2025
Production Coordinator- Printing
I feel you! Ako na may experience na sa 3 months na paghahanap ko wala pa ding feedback may mga interviews pero hanggang 2nd interview lang tapos ghosted na. Nagtataka nga ako sa kung ano bang hinahanap ng mga companies eh may experience man o wala puro nirereject nila Lahat naman ng tao willing matuto gusto ata nila pag pinaupo marunong agad 😞😩😩 Kahit below minimum pinapatos ko na aba choosy pa din sila 😩😩
G
Grace · 16 Aug 2025
Utilization Review Nurse
Try niyo po mag-send ng application doon sa may nakasulat na "Urgently Hiring". Nabasa ko lang to sa articles dito sa Jobstreet. Kung wala pa din, try niyo po mag-apply sa mga call centers/BPO pero sa pure non-voice kamo kayo ilagay. Pure non-voice = pure email or chat ang way of doing the tasks. Importante na idiin niyo na sa non-voice kayo ilagay. Diyan ako nagsimula sa call centers noong hindi uso ang walang experience na nurse. Ngayon, nandito na ako sa industry pang nurses talaga. Fighting!
A
Anon082117 · 13 Aug 2025
IT Head
Nakaka-frustrate kasi ginawa mo na yung part mo nag-aral, nagsumikap, nakapagtapos. Pero parang hindi sapat sa mata ng system. Minsan naiisip ko, baka hindi naman tayo kulang... baka lang iba na talaga ang labanan ngayon. Mas competitive, mas skills-based, mas pa-connections.
A
Adonis Jr · 18 Aug 2025
Case Manager
Kahit may required na exp 1-2 year or ano pa yan try nyo parin mg pasa ng application , but do some research din sa position you are applying. Please don’t reject yourself first po; let them be the ones to reject you.
L
Lady Maxine · 17 Aug 2025
Cashier
As someone who graduated from BS Computer Science with no passion for coding. Kahit in-demand yung IT jobs ngayon, parang feel ko it's not my career path. Kaya ngayon I was left clueless with what career should I pursue. Which made me question my life choices. Nakakaguilty na rin maging tambay, pero I don't know where to start. Naawa na rin ako sa sarili ko, parang hindi pa ako ready tanggapin ng work.
R
Roland John · 18 Aug 2025
Video Editor
Halloo... Upon reading this post. Grabe parang suko agad. Remember marami rin nagaapply na iba. Its either mas magaling sayo or mas magaling ka. Don't lose hope. Nasa sayo yan kung paano diskarte mo. Kami nga dati apply lang ng apply. Wala pa digital application. Magpapasa ka talaga sa mga companies kung magkaron ng open na trabaho.

Want the full community experience? Get it on the app

Features are constantly being added from the ‘Career’ section of the Jobstreet app to this website. So, if you want an even better experience check out our app now.