Join Philippines' career community
Share career tips and exchange stories with almost 2 million jobseekers – just like youk
kape_is_life · 18 Sep 2025
Freelancer
Plot twist sa job hunt ko! 😳 Naglagay ako ng character references na akala ko friends ko naman. Nung nag background check si HR, may isa palang nagsalita laban sa akin… tapos siya rin pala gustong mag apply sa same company Lesson learned piliin mabuti ang refs. Nangyari na ba ‘to sa inyo? Share tips or strategies para i-handle to!!! 🗣️
w
workislifer · 18 Sep 2025
Recruitment Specialist
Oo, masakit yan at nakakatrauma talaga. Naranasan ko rin nagtiwala ako sa dati kong ka-team, nilagay ko siya as reference thinking supportive siya. Pero nalaman ko later na binanggit niya yung mga weak spots ko na di na sana kailangan i-highlight. Since then, naging super selective na ako, minsan nga di na ako naglalagay ng dating kakilala unless 100% sure ako sa professionalism nila. Minsan talaga, hindi lahat ng mabait sa’yo, kakampi mo.
A
Aiza · 22 Sep 2025
CSR - Billing Specialist I | Tech Support II
Thats why we don't put character references sa CV. We only give it pag inask ni employer. That way, makakapgisip pa tau kung sino ung mga ibibigay nateng references. Mas mabuti kung sa management tlg ung ilalagay mo like previous immediate supervisor and not friends lang. Alam mo namn yang nga yan, hinde lahat ng friends ay kaibigan tlg. Minsan ung mga gustong magpabagsak sayo ay mga friends mo rin tlg. 😓
p
pagod_sa_commute · 18 Sep 2025
Virtual Assistant
kaloka yung sayo sakin laughtrip naman kasi nagpa help ako sa friend kong di ko naman talaga naka work tapos may script pa kami pero mali2 naman mga sinagot niya kaya nag doubt tuloy hr sakin grabe hiya ko nun at sayang yung offer pero ngayon natatawa nalang ako sa pinag gagawa ko din
M
MsPaperwork · 18 Sep 2025
Head of Sales
Better to change na lahat ng character reference mo kung maninira lang pala sila at mag lagay ka nalang ng mga kakilala mo talaga both personally & professionally kahit from old works mo pa basta yung kakilala mo talaga and always inform them sila ahead para ready din sila
M
Marlice · 21 Sep 2025
Advisor I Customer Service
Hi pano mo nalaman na may nagsalita against you? Sinabi ba ng HR? And nakaapekto ba sya sa employment mo?
m
multitasker17 · 18 Sep 2025
Project Manager
pano yun binad shot ka niya sa employer sabay apply siya dun 🤣 di totoong friend yan kung ako sayo mag lagay ka lang ng kakilala mo talaga kahit real friends mo pa or mga higher ups kasi di naman mas professional mga yun
R
Rose Ann · 27 Sep 2025
Supervisor
Never trust anybody. 🥹
W
Wilfredo · 21 Sep 2025
Repacker
meron po ba maga apply
R
Rhojolyn · 22 Sep 2025
then nag ask about sa lugar namin kase may kakilala daw siya dun e di naman ako familiar talaga tas parang naka apekto sa application ko yun then niligwak ako hahaha
R
Rhojolyn · 22 Sep 2025
grabe naman, yung akin naman na last kong inapplyan parang kinukwestyun yung degree ko
Want the full community experience? Get it on the app
Features are constantly being added from the ‘Career’ section of the Jobstreet app to this website. So, if you want an even better experience check out our app now.
Explore groups