Join Philippines' career community

Share career tips and exchange stories with almost 2 million jobseekers – just like you

F
Ferdie · 9d ago
Freelancer
HRs, ANG HIRAP BANG MAGBIGAY NG UPDATE? Kayo ang nagpa-interview, pero after nun, wala nang follow-up. Ni “thank you for your time,” wala. Kami na nga ‘tong walang trabaho, kami pa ‘yung nag-aadjust at nagaabang nang wala. Kung ayaw niyo na, sabihin niyo. Hindi yung ghosting parang walang nangyari.
M
Maeve · 9d ago
Marketing & Sales Staff
yung ghosting pa naman nakakababa ng morale, at minsan, nagdudulot pa ng self-doubt kaya grabe na stress ko sa pag apply, mag 6 months na akong unemployed pa tapos sabi mang hingi daw ako ng feedback sa mga hr para alam ko need kong i-work out during interviews pero ni isang reply wala naman
I
Isay · 9d ago
Brand Marketing Manager
Dapat mandatory to give updates sa applications kahit ano pa result either reject/pass onting effort lang sa HR part i know na busy din sila at maraming tasks pero parang ang trato kasi sa applicants are disposable lang pag fail wala ng pakinabang to give effort for updates pa 🤷
J
Jayden · 9d ago
Intern
Malala positive lahat ng interview stages hangang final interview kaya aasa ka ng job offer sabay wala ng paramdam hahaha nag antay ako ng 1 week for updates kasi di rin ako masagot ng hr kung nakuha ko ba yung position puro wait ayun hangang sa wala ng paramdam pero todo message sakin for interview hays para wala lang oras at effort natin sa kanila
W
Wendy · 9d ago
Sales Executive
mahalaga kasi sa kanila maka quota lang mga yan per day pag naka reply na sila a day di na sila mag update sa iba, kung kaya mag-set ng interview, dapat kaya ring magbigay ng update!
E
Emmalyn Marie · 9d ago
Front Office Receptionist
aware kasi silang desperate mga applicants na kahit di sila mag update e marami parin mag a-apply sa kanila kahit auto message man lang di makapag send para di na mag expect at mag move on nalang sa pag apply di ba 🙄
C
Community User · 6d ago
Accounting Staff
Hindi na nagbibigay ng feedback, tapos makikita mo sa job posting hiring prin yung inapplyan mo. Be fair naman sana.
A
Apple · 9d ago
Social Media Response and Listening
Maiintindihan ko pa yung walang response to the initial application due to the number of applications they receive every day. Dumadami pa naghahanap ng work and the unemployment rate increases almost every month. Pero yung 0 updates after interview? Nag-effort na sila to reach out and schedule the candidate's interview, ano ba naman yung magshare ng quick update lang...

Want the full community experience? Get it on the app

Features are constantly being added from the ‘Career’ section of the Jobstreet app to this website. So, if you want an even better experience check out our app now.