Join Philippines' career community
Share career tips and exchange stories with almost 2 million jobseekers – just like you
A
Axel · 29 Apr 2025
IT staff
Sabi nila bumaba na daw ang unemployment rate… pero bakit hirap pa rin makahanap ng work?
Halos lahat sa feed may bagong job, tapos ako, nasa “good luck sa applications!” phase pa rin.
Kayo ba, anong ginagawa niyo pag parang kahit todo apply, wala pa rin nangyayari?
N
Nina · 29 Apr 2025
Customer Service Specialist
manhid na nga ako sa rejections sa email ko nakaka t@mad narin mag apply pero eto parin tayo tuloy parin sa pag apply kasi need ng income at sobrang deep ko mag apply pati mga tips & tricks sa mga pages inaaral ko narin baka maka tulong din
C
Carey · 29 Apr 2025
Sales Manager
Di porket bumaba yung rate di naman meaning nun makaka kuha ka ng work agad2 kahit nga may years of experience hirap narin mag apply ngayon sa dami din kasi ng mga nag-a-apply di tulad dati at stats lang yan di parin mapapakita niyan yung real-life struggles ng mga nag a-apply
C
Cherry Ann · 29 Apr 2025
hr and admin asst.
Tapos lahat ng batchmate mo may work na ikaw wala parin 😭 baka last option ko is mag call center nalang pero gusto ko parin sana ma experience yung pinag-aralan ko baka sa susunod na life nalang kailangan ko din kasi tumulong sa pamilya 😔
A
Ashley Candice · 29 Apr 2025
Virtual Assistant
ine-edit ko na nga resume ko minsan nag add ako ng skills na di ko naman gamay para lang mag mukang maganda pero wala parin e di mas kuwawa pala mga wala pang experience di ba at nakakuha lang din ako ng work dahil nag pa help ako sa friend ko for a referral at buti natangap narin ako kung may kakilala kayo try niyo din mag pa referral para may mas chance
J
James · 29 Apr 2025
Marketing Staff
sa totoo lang di ko din ramdam yang mga rate na yan parang mas tumaas nga ngayon up to a million ba kaya daming hirap na fresh grads maka kuha ng work, took me 8 months para lang maka land ng first work 😢 di pa ganun ka ganda salary at benefits ko dito pero desperado narin kasi ako atleast may income kaya sana maka lipat din sa susunod sa maayos naman hays
S
Sarai Majal Elizabeth · 2 May 2025
Documentation Clerk
hoping pa rin na mareplayan ng companies na pinag applyan ko. 🙏
M
Ma. Jocelyn · 30 Apr 2025
Administrative Staff
haha same sent several job applications puro viewed lang pero dumating na 1 week wala pa nag contact, madami na akong experience niyan ahh from Data Sales Encoder- Production Coordinator- Secretary yet hirap pa din ako makahanap adminitrative nalang hinahanap ko yet parang kulang pa din sa mga employer kahit nga maliit na sahod pinapasahan ko na 🤷🏻♀️🤷🏻♀️🤷🏻♀️
C
Community User · 29 Apr 2025
Accounting Staff
been applying to numerous jobs too. so far puro rejections and ghostings pa lang hayy
Want the full community experience? Get it on the app
Features are constantly being added from the ‘Career’ section of the Jobstreet app to this website. So, if you want an even better experience check out our app now.
Explore groups