Join Philippines' career community

Share career tips and exchange stories with almost 2 million jobseekers – just like you
R
Reymark · 25 Jul 2025
Store Manager
Hi! Need ko po ng advice niyo po. For charge po kasi ako ng 50k+ kasi may missing na property ng company po, at under agency po ako. Noong nag review ng cctv sabi ng audit wala naman daw po sila makita na anomaly. Pero dahil may position at nasa area ako, tama po ba yun? 😭 Gusto ko na lang mag awol kasi babayaran ako ang nawawala na di ko naman kasalanan. 😭
M
MsPaperwork · 25 Jul 2025
Head of Sales
Syempre mali lalo na kung wala namang evidence at may cctv naman pala so dapat clear ka na bakit pa sayo napasa yung bayarin? Try to get legal advice din from DOLE
A
Anon466955 · 25 Jul 2025
Technical Analyst III | MSP
pa DOLE mo. the cctv footage is a good defense para sa case mo. even if you are in the vicinity that doesnt make you an immediate accuse. Check mo rin contrata mo baka kasi nakasaad dun na kahit d ikaw ang nagnakaw as long as ikaw ang bantay ng time na yun sayo ipapataw ang nawalang gamit. Just like the cashiers when they get short.
A
Apple · 25 Jul 2025
Digital Marketing Consultant
Sorry to hear this. Review your contract and other documents if stated na ganon nga ba dapat ang resolution for loss of assets.
A
AlmostHired_08 · 28 Jul 2025
Restaurant Manager
Sana may mas malinaw na proseso sila para sa mga ganitong issues. Hindi fair na ikaw pa ang mabigat ang sisi nang walang sapat na ebidensya.
A
ApplyNaNaman · 28 Jul 2025
Industrial Engineer
Hindi tama na ikaw pa ang magbabayad kung walang proof na ikaw ang may sala. Fight for your rights! Huwag mawawala ang loob mo.
H
HRYouReady? · 28 Jul 2025
Interior Designer
Nakaka-stress yang ganun lalo na kung unfair ang penalty. Maybe try to gather more evidence or talk to HR or legal para makatulong sa kaso mo.
A
Anon414893 · 28 Jul 2025
rabe, ang hirap naman ng sitwasyon mo. Hindi ka naman kasalanan kung wala kang kinalaman sa nawawala. Sana maayos yan without you having to magbayad ng ganun kalaki.
W
WorkingOVERTIME_04 · 28 Jul 2025
Assistant Project Manager
Huwag kang mawalan ng pag-asa. Kung feeling mo unfair ang nangyayari, subukan mo i-report or i-appeal sa mas mataas na management.
J
Jenny Anne · 31 Jul 2025
DCAT Coordinator
Check your contract first, and there’s an evidence na wala ka naman kasalanan and alam mo din sa sarili mo na wala kang ginawa na mali just stay in company. Please don’t do AWOL, if mag-aAWOL ka bad records din un and baka the company thinks na guilty ka.

Want the full community experience? Get it on the app

Features are constantly being added from the ‘Career’ section of the Jobstreet app to this website. So, if you want an even better experience check out our app now.