Sa panahon ngayon, hindi na sapat ang "basta may trabaho lang." Habang tumataas ang presyo ng bilihin, kuryente, pamasahe, at iba pa, natural lang na hanapin mo ang mga trabaho na hindi lang fulfilling, kundi nagbibigay din ng sapat—o higit pa—na kita para sa iyong pangangailangan. Kung kaya, kailangan mong maging praktikal at pumili ng trabaho na may magandang kita.
Para gabayan ka, heto ang top 10 trabaho sa Pilipinas na may pinakamalaking sweldo!
Ang mataas na sweldo ay nagbibigay nang mas stable na pamumuhay at kakayahan na tumulong sa pamilya. Maliban dito, nakakatulong din ito para makapag-ipon, at mamuhunan. Ngunit hindi lahat ng trabahong mataas ang kita ay madaling pasukan. Kadalasan, may kaakibat itong matinding training, licensure exams, o specialized skills.
Kaya, kung isa ka sa mga naghahanap ng pagkakataon na magkaroon ng magandang kita, dapat mong malaman kung aling mga trabaho sa Pilipinas ang may pinakamalaking sweldo—at kung paano ka makakapasok sa mga ganitong larangan.
Maraming dahilan kung bakit malaki ang sweldo ng isang trabaho. Para mas maintindihan mo ang mga ito, basahin ang mga sumusunod na salik.
Mataas na industry demand – Kapag ang pangangailangan sa trabahador ay mataas pero kaunti ang supply, malaki ang posibilidad na tataas din ang sahod.
Karanasan o kataasan ng ranggo – Kung mas matagal ka na sa trabaho, mas tumataas ang halaga mo sa kompanya at sa industriya.
Mga espesyal na kasanayan o lisensya – Ang pagkakaroon ng specialized skills at lisensiya gaya ng PRC license ay nagpapataas ng iyong sweldo.
Educational background – May mga trabaho na nagbibigay ng mas mataas na panimulang sweldo kung galing ka sa kilalang unibersidad o may graduate degree.
Lokasyon – Mas malaki ang rate ng kita sa mga propesyunal na nakatira sa malalaking lungsod kumpara sa mga nasa probinsiya.
Hindi maipagkakaila na maraming Pilipino ang naghahanap ng trabaho na nagbibigay ng malaking kita sa kanila. Kung isa ka dito, tingnan ang mga listahan ng mga trabaho sa baba!
Ang pagiging doktor ang isa sa may pinakamalaking responsibilidad sa ating komunidad. Dahil mahaba ang taon na gugugulin sa pag-aaral at malaki rin ang demand sa lipunan, isa ang mga doktor sa may pinakamalaking sweldo sa ating bansa.
Tinatayang sweldo: ₱130,000–₱140,000 kada buwan
Mga kailangang gawin para maging isang doktor:
-Magpakita ng mahusay na academic performance sa kolehiyo.
-Pumasa sa National Medical Admission Test (NMAT).
-Magtapos ng medisina sa isang accredited na medical school.
-Pumasa sa Physician Licensure Exam.
-Kumpletuhin ang dalawang taong residency training.
Pagdating sa corporate, litigation at tax law, abogado ang propesyon na nagbibigay ng malaking tulong sa ganitong sitwasyon. Dahil mabigat ang pang-araw-araw na trabaho, hindi maipagkakaila na mataas din ang bigay na sweldo.
Tinatayang sweldo: ₱51,000–₱61,000 kada buwan
Mga kailangang gawin para maging isang abogado:
-Mag-aral ng 7–8 taon (kabilang ang undergraduate at law school).
-Pumasa sa Bar Exam upang maging lisensyadong abogado.
-Maaaring magsimula bilang Paralegal at magtrabaho sa isang law firm.
Ang mga IT professionals gaya ng isang software developer o IT specialist ay nagtatrabaho sa maraming industriya. Isang rason kung bakit indemand ang ganitong propesyon sa ating bansa ay dahil sa pag-usbong ng Fintech, e-commerce, BPO at tech-startups.
Tinatayang sweldo: ₱32,000–₱36,000 kada buwan
Mga kailangang gawin para maging isang IT specialist:
-Kumpletuhin ang kaugnay na kurso tulad ng Computer Science, IT, at iba pa.
-Magkaroon ng work experience sa internship.
-I-update lagi ang technical skills at sumali sa mga trainings.
Dahil focus ang mga kompanya sa mga desisyon na batay sa data, mataas ang demand para sa mga data scientist sa bansa. Sa katunayan, malaki ang papel nila sa bawat kompanya kaya sila kasali sa top 10 trabaho sa Pilipinas na may pinakamalaking sweldo.
Tinatayang sweldo: ₱65,000–₱75,000 kada buwan
Mga kailangang gawin para maging isang data scientist:
-Magtapos ng kurso tulad ng BS Computer Science, BSIT, BSIS.
-Mag-internship sa isang kompanya para magkaroon ng praktikal na karanasan.
-Kumuha ng certification o master’s degree sa data science.
Sa panahon ngayon, marami ng gustong magtrabaho bilang engineer. At dahil iba-iba ang klasipikasyon at espesyalisasyon nito, nakadepende rin ang demand sa lugar, infrastracture, construction, at energy projects.
Tinatayang sweldo: ₱30,000–₱40,000 kada buwan
Mga kailangang gawin para maging isang engineer:
-Magtapos ng Bachelor’s degree sa Engineering (karaniwang 5 taon).
-Kumpletuhin ang On-the-Job Training (OJT) o internship.
-Pumasa sa Licensure Exam para sa Engineer mula sa Professional Regulation Commission (PRC).
Isa ang mga pilot sa may pinakamahal na training. At dahil mataas ang responsibilidad sa buhay ng mga pasahero, kumikita sila ng malaking halaga kada buwan. Pero, ang sweldo ay nakadepende pa rin sa karanasan, kataasan ng ranggo at airline.
Tinatayang sweldo: ₱44,000–₱120,000 kada buwan
Mga kailangang gawin para maging isang pilot:
-Alamin ang basic qualifications na kailangan.
-Subukan ang discovery flights.
-Mag-enroll sa accredited flight school.
-Kumuha ng student, private at commercial pilot licenses.
-Tapusin ang required flight trainings at log hours.
Ang marketing director ang siyang gumagawa ng mga epektibong plano sa marketing. At dahil tumataas ang bilang ng mga negosyo sa bansa, marami na rin ang naghahire sa kanila rason para mapabilang sila sa top 10 trabaho sa Pilipinas na may pinakamalaking sweldo.
Tinatayang sweldo: ₱130,000–₱140,000 kada buwan
Mga kailangang gawin para maging isang marketing director:
-Magtapos ng kursong Marketing, Advertising, o Communications.
-Magbuo ng magandang relasyon sa media at PR contacts.
-Sumali sa professional marketing organization.
-Mag-aral ng mas mataas tulad ng master’s degree sa marketing o MBA.
Ang demand sa mga accountant o finance manager sa lahat ng industriya ay mas mataas kompara sa mga nasa kasalukuyang listahan ng mga trabaho. Ang pangunahing layunin ng isang accountant ay ang pagdokumento sa mga transaksyon sa negosyo.
Tinatayang sweldo: ₱30,000–₱40,000 kada buwan
Mga kailangang gawin para maging isang accountant:
-Magtapos ng Bachelor of Science in Accountancy (BSA).
-Kumpletuhin ang internship o OJT.
-Kumuha ng Certified Public Accountant (CPA) Licensure Exam mula sa PRC.
-Mag-umpisa sa mga entry-level na trabaho tulad ng Junior Accountant.
-Magpatuloy sa pag-aaral at kumuha ng master’s degree sa accountancy.
Bilang isang operations manager, parte na sa trabaho ang ayusin ang mga operasyon ng kompanya. Maliban dito, nangangasiwa sila sa pang-araw-araw na proseso ng isang organisasyon, at gumagawa ng mga pagbabago para mapalakas ang produktibidad sa trabaho.
Tinatayang sweldo: ₱55,000–₱65,000 kada buwan
Mga kailangang gawin para maging isang operations manager:
-Magtapos ng Business Administration o Business Management degree.
-Magkaroon ng karanasan sa trabaho gaya ng entry-level na posisyon.
-Kumuha ng master’s degree sa Business Administration (MBA).
Kadalasan sa mga industriyang may mataas na demand sa mga creative director ay advertising, fashion, media at design. Ang propesyong ito ang responsable sa creative direction at pangkalahatang pananaw ng bawat brand, proyekto o campaign.
Tinatayang sweldo: ₱60,000–₱70,000 kada buwan
Mga kailangang gawin para maging isang creative director:
-Magtapos ng bachelor’s degree sa advertising, communication, marketing.
-Gumawa ng creative portfolio na maipapakita mo sa mga employer.
-Magkaroon ng karanasan sa creative roles gaya ng content creator at iba pa.
Dahil alam mo na ang top 10 trabaho sa Pilipinas na may pinakamalaking sweldo, oras na para malaman mo ang mga kinakailangang kasanayan.
Technical skills
Soft skills
Certifications
Language skills
Continuous learning
Maaari ring gamitin ang Jobstreet Career Tools upang ma-assess mo ang iyong kasalukuyang kakayahan at malaman kung anong skills ang dapat pang i-improve. Malaking tulong ito para makapili ng tamang trabaho na angkop sayo.
Hindi imposible ang makahanap ng trabaho na mataas ang sweldo sa Pilipinas. Pero tulad ng lahat ng magagandang bagay, dapat kang magsikap. Maliban dyan, kailangan mong alamin ang market demand, i-assess ang sarili mong kakayahan, at maglaan ng oras sa pag-aaral. Hindi rin masama na subukang mag-apply sa mga top 10 trabaho sa Pilipinas na may pinakamalaking sweldo kung may pamilya kang sinusuportahan o pangarap kang gustong tuparin.
Gamit ang mga job search and career platform gaya ng Jobstreet, mas madali mong mahahanap ang mga oportunidad na hindi lang malaki ang kita, kundi swak din sa kakayahan mo. Tandaan, ang tagumpay sa karera ay hindi lamang tungkol sa pera—pero kung may sapat kang kita, mas panatag ka araw-araw. Para sa dagdag impormasyon, i-contact kami ngayon!
Alamin ang mga tanong at sagot tungkol sa mga trabahong may malaking sweldo sa Pilipinas. Basahin ang mga detalye sa baba.
Hindi laging kailangan, pero malaking tulong ito lalo na sa mga posisyon na nabanggit sa listahan ng mga trabaho tulad ng Marketing Director, Business Operations Manager, o Creative Director. May mga kompanyang nagbibigay ng mas mataas na sahod sa may advanced degree.
Oo, pwedeng-pwede! Sa katunayan, maraming successful software developers at data analysts na galing sa ibang field gaya ng engineering, education, o finance. Ang mahalaga ay matutunan mo ang mga technical skills na kailangan sa karerang papasukan mo.
Mas mabuting iresearch mo ang kasalukuyang pamantayan sa industriya. Pwede kang gumamit ng tools gaya ng Jobstreet Salary Guide para malaman kung pasok sa average ang alok sayo. Makakatulong din ang pakikipag-network sa mga taong nasa parehong industriya para malaman ang realistic salary range base sa experience level mo.