Paano Makakahanap ng Mga Trabaho na Kailangan sa Pilipinas Ngayong 2025

Paano Makakahanap ng Mga Trabaho na Kailangan sa Pilipinas Ngayong 2025
Jobstreet content teamupdated on 04 July, 2025
Share

Sa dami ng job openings ngayon, nakakagulat pero madami pa ring Pilipino ang hirap makahanap ng swak na trabaho na para sa kanila. At dahil sa patuloy na pagbabago sa job market ngayong taon, kailangan mo ng diskarte, tamang mindset, tools, at updated na kaalaman sa kung anong klaseng trabaho ang hinahanap ng mga employers ngayon. 

Kaya kung gusto mong malaman ang mga trabaho na kailangan sa Pilipinas, basahin ang buong article para sa dagdag kaalaman. 

Bakit Mahirap Makahanap ng Trabaho sa Pilipinas? 

Maraming rason kung bakit maraming Pilipino ang nahihirapan sa paghahanap ng mga uri ng hanapbuhay sa Pilipinas na swak sa kanila. Una rito ay maraming kaso ng mismatch ng skills at job requirements. Halimbawa, ang isang aplikante na may background sa hospitality ay mahihirapang makapasok sa tech industry kung wala siyang training o karanasan.  

Pangalawa, hindi lahat ay may access sa updated job platforms. May ilan pa rin na umaasa sa walk-ins o old-school na pamamaraan ng pag-aapply. Bukod pa d'yan, mataas ang kompetisyon sa mga indemand jobs na para sa mga Pinoy. Kung kaya, kailangan mong gumawa ng paraan para magstand out kahit qualified ka pa.  

⁠At para makahanap ka ng legit na trabaho, mas maiging gawin mo ang mga steps sa baba! 

Alamin ang Iyong Career Goals 

Bago ka pa magpadala ng iyong application, tanungin mo muna ang sarili mo: “Ano ba talaga ang gusto ko?” Hindi sapat na alam mo lang ang mga trabaho na kailangan sa Pilipinas. Importante na tugma ito sa goals na gusto mong abutin. Ilan sa mga tanong na makakatulong sa iyo ay ang mga sumusunod: 

  • Gusto ko ba ng work from home setup o mas gusto ko ng office environment? 

  • Pangmatagalan ba ang hanap ko, o okay lang muna ang contractual? 

  • Gusto ko ba ng stable job o willing akong sumugal sa fast-paced industries? 

Pagkatapos mong sagutin ang mga tanong, gamitin ang mga online tools gaya ng Jobstreet para mas makilala mo pa ang strengths at areas for improvement mo. Mas mabuti ring i-upskill ang iyong sariling kakayahan sa pamamagitan ng trainings, webinars, at certifications.  

Piliin ang Mga Indemand na Trabaho sa Pilipinas  

Bukod sa mga professional goals, dapat mo ring pagtuunan ng pansin ang mga patok na trabaho sa Pinas. Ilan sa mga ito ay ang mga IT professionals, healthcare workers, at iba pa. 

IT Professionals 

Ang digital world ay hindi na future, ito ay nasa present na. Dahil dito, mas mataas na ang demand sa mga software developers, cybersecurity experts, data scientists at iba pang related na mga uri ng hanapbuhay sa Pilipinas. Kung kaya, malaking advantage kung marunong ka mag-code, may kaalaman sa cloud computing o kaya’y may experience sa AI tools.  

Sa katunayan, maraming kompanya ang interesado sa’yo kung may alam ka sa IT—local man o international. At ang maganda pa rito, may entry-level jobs na para sa mga bagong graduate o career shifters na nais pasukin ang industriya ng IT. 

Healthcare Workers 

Patuloy pa rin ang demand sa mga nurses, medical technologists, at caregivers—lalo na sa mga private hospitals, clinics, at abroad. Ayon sa University of the Philippines Center for Integrative and Development Studies (UPCIDS), dapat na palakihin ang bilang ng mga medical workers sa Pilipinas para masolusyunan ang mga hinaharap na public health crisis. Kung kaya, mas mainam na mag-level up ka sa iyong career. 

At para maging magaling na healthcare worker, maglaan ng oras para kumuha ng certifications o subukan ang healthcare opportunities para sa mga trabaho na kailangan sa Pilipinas. 

Freelance & Remote Jobs 

Content writers, virtual assistants, online teachers, customer service—lahat ng ito ay pwede mong gawin sa bahay. Dahil sa pag-usbong ng freelance jobs, marami na ang naeenganyo sa work from home setup. Sa katunayan, maraming online platforms ang nag-ooffer ng ganitong trabaho para sa mga Pilipino na gusto ng flexible working time. 

At di natin maipagkakaila na sa panahon ngayon, ang flexibility at convenience ng work from home ay malaking advantage para sa lahat. 

Skilled Labor 

Malaki ang demand sa mga electricians, plumbers, HVAC technicians, at welders lalo na sa lumalagong construction at logistics industry. Dahil dito, maraming job opening para sa mga skilled workers sa probinsya at ilang mga lungsod sa Pilipinas. Kung gusto mo ang ganitong trabaho, ito na ang tamang oras para mag-apply ka. 

At kung TESDA graduate ka o may vocational training, siguradong hindi ka mauubusan ng oportunidad dahil malaki ang ambag nito sa iyong career.  

Service Jobs 

Ang retail at hospitality industry ay muling bumabangon sa kabila ng pabago-bagong panahon. Dahil dito, tumataas ang hiring sa sales associates, service crew, at delivery drivers. Sa katunayan, ang kabuuang bilang ay unti-unting nadadagdagan at marami na rin ang gustong sumubok sa ganitong larangan ng trabaho. 

Bagaman mababa ang entry requirements, mataas naman ang demand nito sa job market. Kaya kung gusto mong magkatrabaho, magandang simulan mo sa service sector. 

Saan Ka Makakahanap ng Trabaho  

Isa sa mga problema na kinakaharap ng mga pinoy ngayon ay kung saan makakahanap ng mga trabaho na kailangan sa Pilipinas. Para gabayan ka sa iyong employment journey, tingnan ang aming ginawang listahan sa baba. 

Online Job Portals 

Isa ang job portals sa mapagkakatiwalaang paraan para makahanap ng trabaho na swak sayo. Halimbawa nito ay ang Jobstreet Job Portal. Ito ay may industry-specific filters, salary insights at employer reviews para mas madali mong makita ang gusto mong trabaho. Maliban dito, marami ring online portals na may iba’t-ibang klaseng job offers, lokal o sa ibang bansa man.  

Social Media & Networking 

Sa panahon ngayon, mas madali ka nang makakahanap ng mga uri ng hanapbuhay sa Pilipinas. Sa katunayan, madaming social media platforms ang magagamit mo para mapromote ang iyong professional visibility at networking. Ilan sa mga platforms na ito ay specific sa blue-collar at freelance opportunities kung gusto mo nang flexible working time.  

Job Fairs 

Magandang pagkakataon ang sumali sa mga sponsored job fairs gaya ng LGU at PESO. Sa pamamagitan nito, mabibigyan ka ng pagkakataon na harap-harapang makipag-usap sa HR officer. At kung gusto mo naman ng online setup, pwede kang sumali sa mga virtual job expos dahil accessible ito kahit nasa bahay ka lang.  

Recruitment Agencies 

Siyempre, huwag nating kalilimutan ang mga recruitment agencies. Pero, bago ka mag-apply sa mga trabaho na kailangan sa Pilipinas, dapat mong siguraduhin na licensed ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga ahensyang ina-applyan mo. At, palaging alamin kung scam ba ang inaalok sa iyong trabaho para makaiwas ka sa anumang panloloko. 

Paano Mag-Stand Out sa Application 

Para matanggap sa trabaho, dapat lang na paghandaan mo ang ipapasa mong resume. Kung di mo alam kung saan magsisimula, heto ang mga paraan para magstand out. 

  1. I-customize ang iyong resume – Iba-iba ang trabaho, iba-iba rin dapat ang format ng resume mo para mas maipakita ang skills mo. 

  2. I-highlight ang mga relevant skills at certifications – Malaki ang ambag nito sa iyong application lalo na kung tugma sa job posting. 

  3. Gumamit ng measurable results – Maglagay ng specific details gaya ng iyong professional achievements at accomplishments. 

  4. Gumawa ng personalized na cover letter – Huwag mag copy-paste. Ipakita mo kung bakit ka fit sa role at sa company culture nila. 

  5. Mag-practice ng interview – Gamitin ang STAR method (Situation, Task, Action, Result). Sa pamamagitan nito, mas organized at convincing ang sagot mo. 

  6. Humingi ng mga referral – Kung may kilala kang nagtatrabaho sa kompanyang gusto mong pasukan, mas mainam na mairecommend ka niya. 

Mag-apply sa Trabahong Gusto mo sa Jobstreet! 

Ngayong 2025, mas dynamic na ang job market dahil marami nang trabaho ang available para sayo. Ang dapat mong pagtuunan ng pansin ngayon ay ang pagiging handa at preparado sa lahat. Maliban dito, dapat malinaw din ang iyong career goals, alam mo kung anong industriya ang hiring, at maayos ang iyong application process.  

At syempre, mas mainam na gumamit ka nang mga tools at platforms gaya ng Jobstreet. Nagbibigay kami ng solid na experience pagdating sa job hunting para matulungan kang mamili sa listahan ng mga trabaho na kailangan sa Pilipinas. Ano pang hinihintay mo, mag-apply na sa aming platform o i-contact kami para sa mas mabilis at madaling employment journey. 

Frequently Asked Questions (FAQs) 

Alamin ang mga paraan paano maghanap ng trabaho. Basahin ang mga sagot sa baba upang magabayan ka sa tamang paraan ng pagpili ng trabaho. 

Pwede bang mag-apply kahit walang formal background? 

Oo. Sa panahon ngayon, maraming kompanya ang tumatanggap ng career shifters—lalo na kung may sapat kang skills. Ang mahalaga, marunong ka sa mga basic na gagawin, may knowledge sa tools, at may portfolio kahit beginner pa lang. 

Paano malalaman na legit ang inaapplayang trabaho? 

Lagi mong i-check kung verified ang employer. Sa Jobstreet, may mga employer ratings at company info na pwede mong gamitin sa pag-aassess. Bukod dito, iwasan mo rin ‘yung mga nagre-require agad ng bayad or personal bank info—red flag ‘yan. Sa tamang platform at maayos na resume, siguradong safe ka sa trabahong inaapplyan mo. 

Safe ba mag-apply sa mga job postings sa social media platforms? 

Oo, may mga legit job opportunities sa mga social media groups at pages, lalo na sa freelance at blue-collar jobs. Pero marami ring scam. Kaya, bago ka magbigay ng personal info o magbayad ng kahit ano, siguraduhing legit ang employer. Mas maiging i-check ang kompanyang gusto mong pasukan sa Jobstreet o Google. 

More from this category: Job Hunting

Top search terms

Want to know what people are searching for on Jobstreet? Explore our top search terms to stay across industry trends.

Subscribe to Career Advice

Get expert career advice delivered to your inbox.
By providing your personal information, you agree to the Collection Notice and Privacy Policy. If you are under 18 years old, you must have parental consent for Jobstreet and affiliates to process your personal data. You can unsubscribe at any time.