10 In-Demand Global Jobs para sa mga Pilipino

10 In-Demand Global Jobs para sa mga Pilipino
Jobstreet content teamupdated on 13 April, 2022
Share

Kamakailan lamang ay inanunsyo ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang pagbagsak ng overseas worker deployment sa 75% noong 2020. Naitala na umaabot sa halos 350,000 OFWs na ang napauwi dahil sa patuloy na banta ng Coronavirus.

Ngunit walang dapat ikabahala sapagkat may mga trabahong umuusbong at patuloy na nangangailangan ng manggagawa sa panahon ng pandemya. 

Sa pag-asa na dala ng vaccination program sa ating bansa, inaasahan ang unti-unting pagsigla ng job market ngayon 2021 sa muling pagbubukas ng mga bansang nakadepende sa mga manggagawang mula sa Pilipinas. Likas na kilala ang mga Pilipino sa pagiging masipag, matiyaga, at may dedikasyon sa napiling industriya. Handa ka na bang sumubok at mangibang bansa? Alamin ang sampung in-demand global jobs.

Basahin: POEA issues guidelines to ensure protection of deployed OFWS during pandemic

Health Care/ Medical

Bago pa man magkaroon ng pandemya, mataas na talaga ang demand sa Filipino healthcare workers. Kaya naman binibigyan pansin ngayon ng ating gobyerno ang mabilis na proseso ng pagdeploy sa mga healthcare workers kabilang ang mga doktor, nars, pediatricians, at veterinarians. Sa patuloy na banta ng Coronavirus, asahan ang patuloy na demand nito sa USA, Canada, New Zealand, at Middle East. 

Expected salary: Â PHP54,000 to PHP 86,000

Household Service Workers

Tumataas na rin ang demand sa mga kasambahay sa Saudi Arabia, Singapore, at Hong Kong. Marahil dahil ito sa work from home set-up ng maraming pamilya, kinakailangan nila ang serbisyo ng isang kasambahay upang makatulong sa paglilinis, at pag-aalaga ng mga bata o nakatatanda. Tulad ng kasambahay, kasama rin sa kategoryang ito ang mga caretakers at mga karpintero. 

Expected salary: PHP20,000 - PHP 50,000

Basahin: Guidelines on reporting of accommodation for HSWs

General Work Service

Malaki rin ang oportunidad na naghihintay para sa mga manggagawang gusto sumubok bilang isang drayber, electrician, automotive, refrigeration at aircon repairman, plumber at maintenance technician.

Expected Salary: PHP30,000 pataas

Manufacturers

Maraming international manufacturing companies ang nangangailangan ng foreign workers upang palakasin pa lalo ang kanilang workforce. Malugod na tumatanggap ang Taiwan at Japan ng applicants bilang factory workers, production at machine operators, technicians at technical operators. 

Expected salary: PHP30,000 pataas

Hospitality-related work

Sa pagbabalik sigla ng turismo at muling pagbubukas ng mga tourists destinations, inaasahan din ang unti-unting pagdami ng mga turista. Kaya bumabalik pati ang posibilidad na makakuha ng trabaho sa hotel at food and beverage industry (F&B). Madagdagan ang cooks, waiters/waitresses, baristas at restaurant service na kakailanganin sa UAE at Middle East region. 

Expected salary: PHP 53,000- PHP 78,000

Engineers

Sa larangan ng propesyonal na trabaho, tinatayang ang industriyang ito ang pinaka-in demand sa Middle East maging sa United States. Land-based o sea-based engineer, nakakasiguro na malaki ang sweldo na naghihintay para sa inyo. 

Expected salary: PHP 56,000 to PHP 59,000

IT Professionals

Sa nakalipas na taon, natunghayan natin ang tuloy-tuloy na paglago ng teknolohiya. Asahan na lalaki ang papel na gagampanan ng paggamit ng computers at gadgets para sa pagpapatuloy ng trabaho at mga negosyo, ano man industriya ang kinabibilangan mo. Kilala ang Singapore sa pagtanggap ng mga OFWs sa larangan ng IT at Telecommunications pero alam niyo ba na tumataas na rin ang demand nito sa ibang bahagi ng Asia Pacific lalo na sa Malaysia?

Expected salary: PHP 54,000 to PHP 58,000

Teachers

Kilala ang pagiging guro bilang isang marangal na trabaho at tunay naman napapansin ang kakayahan ng mga Pilipino lalo na sa pagtuturo ng wikang Ingles. In-demand ang Pinoy sa mga International schools sa mga bansang Singapore, Japan, China, South Korea at Indonesia kung saan Ingles ang kanilang pangalawang wika. 

Expected salary: PHP66,000 pataas

Labor / Construction

Tulad ng healthcare workers, in-demand din ang mga skilled workers na gusto pumasok sa construction tulad ng foreman, electricians, heavy equipment operators at welders. Sikat ang ganitong uri ng trabaho sa Middle East pero kung ikaw ay may kasanayan na sa construction noon, maaari mo rin subukan sa Japan, Taiwan, South Korea at New Zealand.

Expected salary: PHP30,000 pataas

Sea-based workers

Ang nangungunang trabaho na pwede mo applyan sa United States ay ang pagiging sea-based engineer. Kasabay nito, maganda rin ang sweldong naghihintay para sa mga gustong sumubok maging seaman at bosuns (manager na incharge sa mga equipment at crew ng barko).

Expected salary: PHP 53,000 to PHP 99,000

Marapat na alamin mo pa ang mga dokumento at application process na dapat kumpletuhin bago ipasa sa recruitment agencies. Isa dito ang paggamit ng expired OEC na pinahihintulutan pa rin para sa mga bagong OFWs o sa mga OFWs na mangingibang bansa muli. 

Mahalagang malaman ang iba’t-ibang oportunidad na pwede makatulong sa pag-usbong ng iyong propesyon. Ano man napili mong applyan na trabaho, siguraduhin na may sapat na trainings at skills upang magampanan ang pangunahing tungkulin at responsibilidad sa iyong trabaho. Naniniwala kami na makakahanap ka ng #JobsThatMatter maging sa gitna ng pagsubok ng pandemya. 

Ugaliin din na i-update ang iyong JobStreet profile. Para sa karagdagang impormasyon at tips ukol sa pag-apply ng trabaho, magtungo sa Career Resources Hub.

 

At JobStreet, we believe in bringing you #JobsThatMatter. As a Career Partner, we are committed to helping all jobseekers find passion and purpose in every career choice. And as the number 1 Talent Partner in Asia, we connect employers with the right candidates who truly make a positive and lasting impact on the organization. 

Discover Jobs That Matter. Visit JobStreet today.

About SEEK Asia

SEEK Asia, a combination of two leading brands JobStreet and JobsDB, is the leading job portal and Asia's preferred destination for candidates and hirers. SEEK Asia’s presence span across 7 countries namely Hong Kong, Indonesia, Malaysia, Singapore, Thailand, Philippines and Vietnam. SEEK Asia is part of the Australian Securities Exchange-listed SEEK Limited Company, the world's largest job portal by market capitalization. SEEK Asia attracts over 400 million visits a year.

About SEEK Limited

SEEK is a diverse group of companies, comprising a strong portfolio of online employment, educational, commercial and volunteer businesses. SEEK has a global presence (including Australia, New Zealand, China, Hong Kong, South-East Asia, Brazil and Mexico), with exposure to over 2.9 billion people and approximately 27 per cent of global GDP. SEEK makes a positive contribution to people’s lives on a global scale. SEEK is listed on the Australian Securities Exchange, where it is a top 100 company and has been listed in the Top 20 Most Innovative Companies by Forbes.

More from this category: Job & salary trends

Explore related topics

Choose an area of interest to browse related careers.

Subscribe to Career Advice

Get expert career advice delivered to your inbox.
You can cancel emails at any time. By clicking ‘subscribe’ you agree to Jobstreet’s Privacy Statement.