Gobyerno vs. Private: Aling Trabaho sa Pilipinas ang Mas Swak Sa’yo?

Gobyerno vs. Private: Aling Trabaho sa Pilipinas ang Mas Swak Sa’yo?
Jobstreet content teamupdated on 07 July, 2025
Share

Sa dami ng naghahanap ng trabaho sa Pilipinas, isa sa mga tanong na kadalasang sinasabi ng karamihan ay kung saan mas magandang magtrabaho, sa government ba o private na kompanya. Pareho silang may magagandang offer—pero magkaibang magkaiba ang istilo ng pagtatrabaho, mga benepisyo, at kultura ng trabaho.

Para magabayan ka, basahin ang article para malaman mo ang pinagkaiba ng government at private jobs sa Pilipinas, at kung paano mo malalaman kung alin ang mas swak sa’yo.

Mga Oportunidad sa Gobyerno at Private Sector 

Sa panahon ngayon, hindi lang sapat na may trabaho ka. Mas mahalaga na ang pipiliin mong trabaho ay akma sa iyong lifestyle, mga priyoridad, at mga plano sa hinaharap. Kaya kung ikaw ay naghahanap ng fresh grad job hunting tips, o isang career shifter na gusto ng mas stable na trabaho, magandang pag-isipan mo muna kung saan ka mas babagay sa dalawang options.  

Source: Medium

Pero bago tayo dumiretso sa paghahambing ng dalawang hanapbuhay sa komunidad, bumalik tayo sa pinaka-ugat ng lahat kung bakit ka nga ba naghahanap ng trabaho. Sa totoo lang, may kanya-kanya tayong dahilan, at ito ang mga tanong na makakatulong sa iyong assessment:

  • Gusto mo ba ng long-term stability? 

  • Hanap mo ba ay malaking starting salary? 

  • Gusto mo ba ng malawak na exposure at learning opportunities? 

  • May balak ka bang magtrabaho abroad someday? 

  • Pangarap mo bang magsilbi sa bayan? 

Kapag malinaw ang goal mo, magagabayan ka sa kung anong uri ng trabaho ang para sa'yo. Halimbawa, isang fresh grad ang gusto ng experience agad. Kahit mababa ang sweldo, okay lang basta may training at exposure. Kung ganito ang iyong sitwasyon, mas mabuting pumasok ka muna sa pribadong kompanya. 

Sa kabilang banda, kung naghahanap ka ng stable na trabaho, mas mabuting mag-apply ka sa gobyerno. Sa ganitong paraan, makakasiguro kang consistent at secure ang iyong income. 

Mga Katangian ng Trabaho sa Private at Gobyerno 

Para mas maintindihan mo ang kaibahan ng dalawang uri ng trabaho sa Pilipinas, i-check ang detalyadong paghahambing sa baba. 

Sahod at Benepisyo 

Kung stable na sweldo, benepisyo at government bonuses sa Pilipinas ang pag-uusapan, mga trabaho sa gobyerno ang dapat mong pasukan. Pero tandaan na minsan mababa ang panimulang sweldo rito lalo na kung entry level ka pa lang. 

Sa kabilang banda, ang mga private company naman ay madalas may mataas na entry-level salary, at may chance ka pa sa performance-based bonuses. Meron din namang SSS, Pag-IBIG, HMO, at iba pang perks gaya ng trainings at travel incentives. 

Career Growth at Promotion 

Pagdating sa mga promotions, ang basehan ng gobyerno ay tenurity, eligibility, at ranking. Bagaman may malinaw na istraktura, ang pagtaas ng sweldo at posisyon ay minsan mabagal. Kaya kadalasan, ang mga empleyado ay naghihintay ng ilang araw o buwan. 

Performance-based naman ang basehan ng mga pribadong kompanya. Kung competitive at career-driven ka, ito ang ideal na trabaho para sayo. At ang kagandahan pa nito ay may iba’t-ibang modelo ng performance pay gaya ng incentive, gainsharing at iba pa. 

Work-Life Balance 

Mas predictable ang schedule ng mga taong nagtatrabaho sa gobyerno kumpara sa mga nasa private na kompanya. Kadalasan, ang araw ng trabaho ay mula lunes hanggang biyernes lang. Dahil dito, mas may oras ang empleyado para sa pamilya at personal na buhay.

Ang work-life balance naman sa mga pribadong kompanya ay nakadepende sa industriya gaya ng BPO na kadalasang night shift. Pero may ilan pa ring mga kompanya na nag-ooffer ng flexible or hybrid setup na mas gusto ng karamihan.

Job Stability 

Sa kasalukuyan, mayroong dalawang uri ng government employment status sa ganitong uri ng trabaho sa Pilipinas: Job Order (JO) at Plantilla. Ang mga JO ay kadalasang natatapos sa partikular na panahon habang ang plantilla naman ay para sa permanenteng position.  

Sa kabilang banda, nakadepende sa private company at sa iyong performance ang iyong katagalan sa trabaho. At kadalasan, may mga short-term contracts (ENDO), pero kung nasa stable company ka, malaki ang tsansa na magtatagal ka sa trabaho. 

Requirements sa Pag-aapply 

Kapag magtatrabaho ka sa gobyerno, kailangan ng Civil Service eligibility para makapasok sa permanenteng posisyon. Maliban dito, nagsasagawa rin ng background check at ilang government exams at clearances para malaman kung ihahire ka ba o hindi. 

Degree o experience naman ang kailangan ng mga employers kung pag-uusapan ang mga requirements sa pag aapply ng trabaho sa mga pribadong kompanya. Ilan din sa mga hinahanap ay ang iyong portfolio at pasadong marka sa interviews at exams. 

Paano Mo Malalaman Kung Aling Trabaho ang Babagay sa’yo? 

Para makapagdesisyon ka sa kung saang hanapbuhay sa komunidad ka dapat mag-aapply, tingnan ang mga sumusunod na tanong at career stage para magabayan ka.  

Kung Fresh Graduate Ka 

Private: Mas maraming entry-level openings (BPO, admin, digital marketing). 

Gobyerno: Mahirap makakuha ng permanent position agad—JO o contract of service muna. 

Kung Mid-Level Professional Ka 

Private: May chance umangat sa managerial roles kung consistent ang performance.

Gobyerno: Kailangan ng eligibility at years in service para sa promotion. 

Kung Long-Term Stability at Retirement Benefits ang Hanap Mo 

Gobyerno: May GSIS pension, job security, at structured promotion. 

Private: Mas competitive ang short-term salary; mas flexible pero walang guaranteed pension. 

Kung Undecided Ka Pa Rin 

Sa dami ng options na iyong pagpipilian, marahil nalilito ka kung saan at paano ka magsisimula. Para gabayan ka sa pagpili ng iyong career, sundin ang sumusunod na steps! 

Maglaan din ng oras upang magmuni-muni at pagnilayan ang mga sumusunod na tanong at i-konsidera rin ang mga suggestions sa baba.  

  1. Ano ang priorities mo? Kung security ang hanap mo, mas mabuting piliin mo ang magtrabaho sa gobyerno. Pero kung mas bet mo ang mabilis na growth at performance-based rewards, mas fit sa iyo ang magtrabaho sa isang private company. 

  2. Anong klase ng work environment ang gusto mo? Mahilig ka ba sa structured at predictable? Sa gobyerno ka dapat mag-apply. Kung gusto mo naman ang challenge at pace, mas magandang piliin mong mag-apply sa private sector. 

  3. Kumusta ang lifestyle mo? Pagdating sa oras ng trabaho sa Pilipinas, ang mga pribadong kompanya ay kinokonsidera ang shifting schedules. Sa kabilang banda, ang government offices naman ay 8 AM to 5 PM ang working hours. 

  4. Anong skills ang meron ka? Kung may pribilehiyo ka gaya ng specific eligibility, malaki ang tulong nito sa iyo kung plano mong magtrabaho sa gobyerno. Kung wala pa, pwedeng-pwede kang pumasok sa private company habang naghahanda ka pa lang.

May Pros and Cons Pareho—Aling Trabaho ang Para sa’yo? 

Sa kabuuan, walang mas superior sa government o private work. Ang tanong dito ay ano ang mas swak sa lifestyle, skills, at goals mo ngayon at sa hinaharap. Kung ang priority mo ay job stability at benefits, mas bagay sa’yo ang trabaho sa gobyerno. Pero kung mas gusto mo ng mabilis na career growth at dynamic work setup, sa private sector ka naman mas uusbong.

Ang mahalaga dito ay malaman mo kung paano mo mahahanap ang gusto mong career, na kung saan hindi lang dapat nakakatulong sa bulsa, pati rin sa pag-grow mo bilang propesyonal. Kaya bago ka mag-apply, kilalanin mo muna ang sarili mo. 

At tandaan na hindi dahil kilalang kompanya o may malaking sahod ay yun na ang magandang choice para sayo. Mas importante parin na tugma ang iyong role sa kung sino ka at kung saan mo gustong mapunta. At kung naghahanap ka ng magandang trabaho, mapa private o government man, pwede kang mag-explore ng iyong career sa Jobstreet.  

Kami ang isa sa nangungunang job search at career platform sa Pilipinas para sa mga first time job seekers at career job shifters. Kung isa ka sa kanila, oras na para gamitin ang aming platform. At kung naghahanap ka ng iba’t-ibang trabaho o gusto mong matutunan ang mga job at career trends, bisitahin ang aming website o i-contact kami ngayon

Frequently Asked Questions (FAQs) 

Kung may tanong ka tungkol sa mga trabaho sa Pilipinas, i-check ang mga sumusunod na tanong at sagot para magabayan ka sa tamang career choice sa hinaharap.

May age limit ba sa pag-apply sa gobyerno? 

Oo. Ang ilang positions sa gobyerno ay may age limit, lalo na 'yung mga uniformed professionals gaya ng PNP, BFP, AFP at iba pa. Pero karamihan sa mga civilian positions ay wala namang strict age requirement basta pasado ka sa qualifications at Civil Service Exam. 

Pwede bang lumipat mula private sector papuntang gobyerno (or vice versa)? 

Oo naman! Maraming professionals ang lumilipat galing sa private patungo sa government service. Pero tandaan na kung lilipat ka sa gobyerno, kailangan mong kumuha ng Civil Service Exam o mag-comply sa position requirements. Kung sa private company naman, mas focus sila sa experience at skills dahil nakabase ang iyong sweldo sa iyong kabuuang performance.

Totoo bang mas madali ang trabaho sa gobyerno kompara sa private? 

Depende. Sa gobyerno, madalas ay may fixed na scope of work at hindi ganoon ka-target-driven. Pero may ibang government agencies na sobrang dami rin ng workload lalo na kung kulang sa tao. Sa kabilang banda, ang private sector naman ay goal-driven ang setup. Mas maraming deadlines, metrics, at pressure. Kung sanay ka sa multitasking at fast-paced na environment, baka mas bagay sa’yo ang private na uri ng hanapbuhay sa komunidad.

More from this category: Applying for jobs

Top search terms

Want to know what people are searching for on Jobstreet? Explore our top search terms to stay across industry trends.

Explore related topics

Choose an area of interest to browse related careers.

Subscribe to Career Advice

Get expert career advice delivered to your inbox.
By providing your personal information, you agree to the Collection Notice and Privacy Policy. If you are under 18 years old, you must have parental consent for Jobstreet and affiliates to process your personal data. You can unsubscribe at any time.