Real talk: Hindi madaling maging estudyante lalo na kung sabay mong iniisip ang baon, tuition, at mga personal mong gastos. Minsan kahit may allowance ka, kulang pa rin sa dami ng kailangang bayaran—school projects, pagkain, pamasahe, at kung anu-ano pa. Pero good news! Hindi mo kailangang maghintay ng graduation para magsimulang kumita. Sa panahon ngayon, madami nang part time na trabaho na swak sa schedule at lifestyle mo.
Kung interesado kang magkaroon ng income habang nag-aaral ka pa lang, basahin ang buong article sa baba para malaman ang ilan sa mga sideline jobs na pwede mong applyan.
Mga Part Time Jobs Para sa Mga Estudyante
Sa panahon ngayon, marami nang flexible, project-based at online part time jobs na available. Ibig sabihin nito, pwede mo nang ipagsabay ang pagtatrabaho at pag-aaral. At isa sa pinagpipiliang uri ng trabaho ay ang part time employment.Kung interesado ka, tingnan sa baba ang mga part time jobs na patok para sa estudyante na katulad mo.
Ang freelancing ay hindi na bago sa mga Pilipino. Sa katunayan, isa ang Pilipinas sa freelancing capital sa mundo at may pinakamabilis na paglaki ng freelancer population. Kaya, kung hilig mo ang pagsusulat o pagdi-design, swak na swak ang trabahong ito sa iyo. At dahil ito ay project-based, pwede mong i-adjust ang iyong schedule ayon sa iyong class load.
Bukod dito, pwede kang magsulat ng blog posts, gumawa ng articles para sa school websites, o mag-design ng social media graphics gamit ang Canva o Adobe tools. Ang kailangan mo lang ay writing or design samples, maayos na grammar, at creativity.
Para magsimula, bisitahin ang mga mapagkakatiwalaang job search and career platforms gaya ng Jobstreet para makahanap ka ng maraming job offers!
Kung mahilig kang mag-TikTok, Instagram, at Facebook, oras na para kumita ka sa mga platforms na ito. Bilang isang social media assistant, ang trabahong gagawin mo ay ang pag-schedule ng posts, pag-reply sa mga comments o messages at iba pa.
Madalas 1–2 hours per day lang ang kailangan dito, kaya perfect ito sa mga estudyante na katulad mo. Ang kailangan mo lang ay ang basic knowledge sa social media, konting Canva skills, at magaling makipagcommunicate sa mga tao.
At kung ikaw ay marketing, media, o communication student, ang ganitong part time na trabaho ay malaking advantage sa iyong career dahil madadagdagan ang iyong work experience.
Ang service crew ay isa sa mga classic part time job para sa mga estudyante. Ang trabahong ito ay may fixed schedule pero kadalasang flexible naman ang shifts (panggabi o weekend). Pero tandaan na ang oras ng trabaho ay nakadepende sa kung ano ang agreed terms.
Ang kagandahan ng trabahong ito ay ma-eenhance ang iyong communication skills at matututo ka sa customer service. At, bukod sa pagkakaroon ng sahod, may libreng meal ka pa minsan!
At para maging isang service crew, kailangan mo maging matiyaga, at masikap kahit minsan ay pagod ka na sa klase. Dapat ka ring maging alisto sa trabaho sa anumang oras.
Gusto mo bang mag-apply sa online part time jobs? Ang pagiging virtual assistant ang swak sayo dahil pwede mo itong gawin kahit nasa bahay ka lang. Ang trabaho ng isang VA ay iba-iba depende sa client. Maaaring email management, research, scheduling, at iba pa.
At kung ikaw ay ma-organize at tech-savvy, malaking plus ito sa iyo. Ang mga pangunahing qualifications para maging isang VA ay dapat magaling ka sa pagsasalita ng English, may stable na internet, at basic knowledge sa Google Workspace (Gmail, Docs, Sheets).
Kung hanap moy legit na part time na trabaho gaya ng VA, mas mainam na gamitin mo ang Jobstreet Job Search. Makakatulong ito para mas mapadali ang iyong hiring process.
Kung may sarili kang bisikleta o motorsiklo, pwede kang maging part time delivery rider. Kadalasan sa mga estudyante ngayon ay nagtatrabaho bilang rider kapag wala silang klase. Kung interesado ka sa ganitong trabaho, mas mabuting maghanap ka sa mga legit na online platforms o apps tulad ng GrabFood, Foodpanda o Lalamove.
Pero take note, kailangan mo ng professional driver’s license, valid ID, at sariling sasakyan. Dapat mo ring tandaan na palaging i-prioritize ang iyong kaligtasan. At mas mabuting pagplanohan mo muna ang oras ng trabaho para hindi maapektuhan ang iyong klase.
Hindi maipagkakaila na bilang estudyante, gusto mo na agad makatulong sa iyong pamilya. Kung kaya, isa sa paraan ng pagtulong ay ang paghahanap ng sideline jobs. Pero alam niyo ba na ang mga part time work ay may katumbas na impact din sa iyong buhay at kinabukasan. Ano nga ba ang mga ito?
Iba talaga ang feeling kapag ikaw na mismo ang kumikita. Sabi pa nila, budgeting becomes real, at natututo kang magplano hindi lang para sa ngayon, kundi pati sa future mo. Sa madaling salita, marunong kanang magbudget para sa iyong savings at school needs.
Kapag nagtatrabaho ka habang nag-aaral, natututo kang mag-manage ng oras. Bukod dun, nagiging mas responsable ka sa mga ginagawa mo. Ang mga skills at work ethic na natutunan mo sa trabaho ay madadala mo hanggang sa maging propesyonal ka na.
Isa sa mga benepisyo ng pagiging part time worker ay mas nadadagdagan ang iyong confidence dahil alam mong kaya mong magtrabaho at kumita. Mayroon ka ng sense of independence, at mas naiintindihan mo na ang kabuuan ng job search para sa mga estudyante.
Ang iyong karanasan sa iyong part time na trabaho ay hindi lang para kumita, ito rin ay dagdag sa iyong resume. Ang kagandahan dito ay may malaki kang edge sa mga job interviews dahil may real-world experience ka na kahit estudyante ka pa lang.
Taon-taon, tumataas ang bilang ng mga Pilipinong naghahanap ng trabaho. Sa katunayan, humigit-kumulang 2.2 milyong tao ang naghahanap ng trabaho noong 2023. Dahil dito, tiyak na mataas ang bilang ng mga jobseekers ngayong taon dahil sa napakaraming trabahong available para sa lahat, mapa full time o part time work man.
At kung balak mong pumasok sa mga part time work o online part time jobs, dapat mong tandaan na hindi basta-basta ang ganitong mga trabaho kahit sideline pa ito. Para gabayan ka sa iyong part time working journey, alalahanin ang mga sumusunod!
Gumawa ng weekly schedule para malaman mo kung kailan ka available magtrabaho. Mag-set ng priorities at expectations gaya ng school first, trabaho next.
Hindi masama tumanggi sa trabaho kung alam mong hindi na kaya ng oras mo. Mahalaga ang balanse para hindi bumagsak ang performance mo sa school.
Kung may biglaang exam o school activity, mag-inform agad sa iyong boss o client. Sa ganitong paraan, mapapanatili mo ang tiwala na ibinigay nila sayo.
Hindi sukatan ng iyong halaga sa dami ng ginagawa mo. Hanggat maari, piliin mong magpahinga. Matulog nang sapat, kumain sa tamang oras, at iwasang ma-burnout.
Lahat ng trabaho mo ngayon—maliit o malaki—ay dagdag sa iyong experience. Kaya i-save ang mga samples, feedback, at screenshots para magamit mo sa iyong future job applications.
Hindi hadlang ang pagiging estudyante para magsimulang kumita. Sa panahon ngayon, may iba’t ibang paraan na para suportahan ang sarili kagaya ng pag-aapply sa mga part time na trabaho. Kung kaya, malaking advantage kung marunong kang maghanap ng opportunity. Sa madaling salita, pwedeng-pwede kang magside hustle kung gusto mo.
Maliban dito, hindi lang pera ang kikitain mo sa iyong napiling part time job, kasama na rin dito ang iyong skills, confidence, at experience. Sa pamamagitan nito, maachieve mo ang magandang career sa hinaharap. Kung kaya, gamitin mo ang bawat oportunidad hindi lang para kumita, kundi para ma-develop ang iyong sarili habang estudyante ka pa lang.
Sa pangkalahatan, mas mabuting maghanap at magdecide ka na sa iyong gustong trabaho sa Jobstreet. Tutulungan ka namin sa iyong application process. Kung mayroon kang anumang mga katanungan, i-contact kami ngayon!
May tanong ka ba tungkol sa mga part time jobs na pwede mong applyan, basahin ang aming sagot sa baba para malaman mo kung paano at ano ang iyong next step!
Oo, karamihan ng part time jobs ay tumatanggap ng 18 years old pataas—lalo na ‘yung mga may contract tulad ng service crew, VA, o delivery rider. Pero may mga freelance opportunities naman online na pwede mong applyan kahit hindi ka pa 18, basta may skills at support ka lang mula sa iyong mga magulang o guardian.
Kailangan ba ng experience bago makapasok sa part time na trabaho?
Hindi lahat. Maraming entry-level jobs ang pwedeng applyan kahit first-timer ka, lalo na sa freelance writing, service crew, o social media assistant. Ang importante ay ang iyong willingness para matuto at gumawa ng maayos na output. Bonus na lang kung may portfolio ka.
Oo, naman! Humanap ka ng flexible o project-based na trabaho—gaya ng freelance gigs o virtual assistant roles. Ikaw ang magse-set ng oras mo, kaya pwede mong isingit sa vacant o weekends. Importante lang ang time management at pagiging honest sa iyong kakayahan.