Nais mo bang mag-sulat ng waiter resume, pero hindi mo alam kung paano?
Mahalaga ang papel ng mga waiter sa food and beverage industry, lalo na sa paghubog ng karanasan ng bisita sa isang restaurant. Kapag dumalaw ka sa isang restaurant, malaking tulong ang masinop na paninilbihan ng masipag na waiters na nakaabang sa pangangailan ng mga kumakain dito.
 Sa Pilipinas, patuloy ang paglago ng industriya ng food and beverage (F&B) nitong nakaraang dekada. Noong 2019, kumita ang food service industry ng higit P600 billion sa kabuohan. Bagama't bumagal ang ekonomiya dulot ng COVID-19, patuloy pa rin ang pagtatangkilik ng Pinoy sa pag-dine-in sa mga restaurant, lalo na sa mga siyudad na tulad ng Metro Manila.
Bahagi ang waiter sa tinatawag na front-of-house (FOH) staff na humaharap sa mga customer na pinaglilikuran. Kabilang sa mga tungkulin ng isang waiter ang sumusunod: pagbati ng bisita, pagkuha at paghain ng order, pag-asikaso sa hiling ng mga customers, at pag-proseso ng bill-out.
 Bukod sa paninilbihan sa mga customer, mahalaga din ang trabaho ng waiter sa pananatili ng maayos na pagpapatakbo ng restaurant operations.
 At dahil madalas makasalamuha ng mga customer ang mga waiter, mahalaga na magalang at magiliw kang makipag-ugnayan sa mga sukii. Mahalaga din na may alam ka sa wastong dining etiquette at may kakayahang mag-multitask.
 Kung naghahanap ka ng trabaho at nakikita mo ang sarili mo sa industriyang ito, sundin ang sumusunod na payo sa pag-aapply bilang waiter. Maaring magkaroon ka ng magandang simula sa mahabang career sa F&B, at ng maaasahang kabuhayan sa panahong ito.
 Paano Magsulat ng Resume Kung Mag-a-apply Bilang Waiter
 Career Summary/Objective
 Maraming aplikante ang gumagamit ng gasgas na layunin sa kanilang waiter resume. Ngunit mahalaga ang pagpapahayag ng career objective na mapagtitibay ang iyong sadya. Dito aangat ang iyong magagandang mga katangian na hinahanap ng isang hirer. Sa pagsulat ng career objective, siguraduhing malinaw at makatotohanan ang paglarawan sa sarili.
 Kung hindi mo alam kung paano magsimula, sagutin ang mga sumusunod na tanong, bilang gabay:
Narito ang isang halimbawa:
A dynamic and versatile waiter with 3 years of experience in the food service industry, with multitasking abilities and a passion for customer service. Currently seeking employment in a respected establishment where I can expand my knowledge in the F&B sector and build a long-term career.
 (Mayroong tatlong taon karanasan sa food service industry. Masigasig, masipag sa trabaho, at marunong makitungo sa customer. Nais mapabilang sa isang kumpanya kung saan mapapalawak ang aking kaalaman sa industriya ng F&B at kung saan maaring makapag-hanap-buhay ng panghabang-buhay.)
 Work Experience
 Ilagda ang mga karanasan mo sa trabaho. Unahin ang pinakahuling trabahong pinasukan, paatras. Sundin ang format na ito:
 Example:
 Head Server
ABC Restaurant, Makati City
June 2016 -- November 2019
 Paano kung wala pa akong karanasan bilang waiter? Hindi lamang huling trabaho ang titingnan ng hirer. Maaari mong isaad ang mga katungkulang nagampanan mo sa bawat pinasukan gamit ang bullet points. Ipahayag mo sa hirer ang iyong mga katangian na makakatulong sa iyong pagtatrabaho at pagkakahubog sa pagiging isang mahusay na waiter, kahit na wala ka pang karanasan sa isang restaurant.
 Example:
 Customer Service Representative
XY Company, Quezon City
April 2013 -- June 2015
 Key Skills
 Kung mag-a-apply ka bilang waiter, dapat mayroon kang kakayahang sumabay sa mabilis na pagpapatakbo ng restaurant. Kabilang dito ang:
 Paalala: kahit wala ka pang karanasan sa restaurants, maaring mayroon ka ng natutunang mahalagang kaalaman sa mga nakalipas na pinasukang trabaho "” ano mang industriya ito. Ito ang tinatawag na transferable skills. Kilalanin ang iyong transferable skills, pati na rin ang mga katangian na kaaya-aya sa lugar na balak mong pasukan.
 Kabilang sa transferable skills ang mga sumusunod.:
 Bagama't ang mga ito ay natutunan sa ibang larangan, ito ang mga katangian na kaakit-akit sa mga hirer.Â
 Waiter Resume Sample
Gumamit ng pormal at naaayon na format sa resume, kabilang ang font type at kulay nito. Huwag nang pahabain ang resume hangga't maaari. Sapat na ang dalawang pahina. At bago ipasa ang resume, tiyakin na wala itong typographic errors o mga maling spelling.
Kung magaling kang makitungo sa mga customer at gusto mong tahakin ang karir sa F&B industry, magandang pasukin ang trabaho ng waiter. Sundin ang aming ilang mga tips kung paano mag-sulat ng waiter resume. Magsimula nang tumingin ng mga opening at iba pang #JobsThatMatter sa Jobstreet, na may malawak na database ng mga job listing mula sa mga pinaka-respetadong kumpanya sa Pilipinas.
 Naghahanap ka ba ng masisimulan agad-agad? I-update ang Jobstreet profile at gamitin ang hashtag na #WorkNow, upang mahanap ka ng mga hirer na nangangailangan na ng mga talent sa trabaho.
About Jobstreet.com
At Jobstreet, we believe in bringing you #JobsThatMatter. As a Career Partner, we are committed to helping all jobseekers find passion and purpose in every career choice. And as the number 1 Talent Partner in Asia, we connect employers with the right candidates who truly make a positive and lasting impact on the organisation.
Discover Jobs That Matter. Visit Jobstreet today.
About SEEK Asia
SEEK Asia, a combination of two leading brands Jobstreet and Jobsdb, is the leading job portal and Asia's preferred destination for candidates and hirers. SEEK Asia's presence span across 7 countries namely Hong Kong, Indonesia, Malaysia, Singapore, Thailand, Philippines and Vietnam. SEEK Asia is part of the Australian Securities Exchange-listed SEEK Limited Company, the world's largest job portal by market capitalization. SEEK Asia attracts over 400 million visits a year.
About SEEK Limited
SEEK is a diverse group of companies, comprising a strong portfolio of online employment, educational, commercial and volunteer businesses. SEEK has a global presence (including Australia, New Zealand, China, Hong Kong, South-East Asia, Brazil and Mexico), with exposure to over 2.9 billion people and approximately 27 per cent of global GDP. SEEK makes a positive contribution to people's lives on a global scale. SEEK is listed on the Australian Securities Exchange, where it is a top 100 company and has been listed in the Top 20 Most Innovative Companies by Forbes.