Sa pamumuhay nating pang-araw-araw, sa pagpasok sa trabaho o paaralan, o pagtangkilik sa mga bangko o pamilihan, isang uri ng tao ang bumabati sa atin sa bungad ng bawat lugar: ang security guard.
Itinatalaga ang mga security guard bilang tagapagbantay ng mga gusaling kanilang pinagtatrabahuhan. Kasama sa kanilang tungkulin ang:
Bilang mata ng gusali, naatasan silang mag-matiyag at mag-ulat ukol sa mga kaganapan o di kanais-nais na pangyayari sa lugar na kanilang katungkulan. Kanilang katungkulan din harangan ang mga may masasamang balak o saloobin mula sa pagpasok ng gusali, kung kaya't dapat laging handa at listo sa mga taong di-pinahihintulutang makapasok, pati na rin sa mga magnanakaw o nanggugulo. Naatasan silang ipagtanggol at panatilihin ang kapayapaan sa loob ng gusali, nakatuon sa pagpapahalaga ng bawat buhay sa loob nito.
Bago makapag-apply bilang security guard, kakailanganing makapasa muna ang kandidato sa mga sumusunod na pamantayan:
Bukod sa NBI, PNP, barangay, at court clearances, kinakailangan rin ng:
Mahalaga ang katungkulan ng bawat security guard sa pagpapanatili ng kapayapaan sa isang lugar at paniniguro sa kaligtasan ng mga tao at pag-aari ng kanilang pinaninilbihan. Kung naghahanap ka ng kabuhayan ngayon na maaring panimula ng mahaba at masaganang career sa security, at nasasaloob mo ang mga katangian tulad ng tapang at kagalangan sa harap ng hamon, at pinagpapahalagahan mo ang kaligtasan ng nakararami, maari gampanan mo ang katungkulan ng security guard bilang #JobsThatMatter.
Mahigpit ang pagsasala ng mga kumakandidato sa trabaho ng security guard. Mangingibabaw ang kandidatong armado ng isang resume na mahusay ang pagkakasulat, na ibinibida ang mga katangian na maaring hinahanap ng mga hirer at makatotohanan sa kaniyang karanasan at kakayahan.
Paano Magsulat ng Resume Kung Mag-a-apply Bilang Security Guard
Career Summary/Objective
Hindi lamang palamuti ang pagpapahayag ng career objective: sa pagpapahayag ng pang-matagalang layunin bilang pambungad ng resume, napagtitibay nto ang iyong sadya at naipapahiwatig kung hanggang saan ka maaring maasahan. Maikli man ito, maaring ikaangat nito ang iyong magagandang mga katangian sa pagsusuri ng isang hirer. Kaya sa pagsusulat ng career objective, pati na rin sa pagsasaad ng karanasan mula sa lahat ng pinasukan, tiyaking malinaw ang paglarawan sa sarili, sa iyong mga kasanayan at kakayahan, at kung ano ang nag-u-udyok sa iyo na pasukin ang ganitong uri ng trabaho.
Simulan ang pagsulat ng career objective sa pagsagot ng mga tanong na ito bilang gabay:
Example:
Licensed security guard with 4 years of experience in providing safety and crime prevention practices in private and public properties. Well-versed in operating CCTV systems, patrolling large venues, monitoring entry and exit of personnel, and inspecting equipment. Committed to bringing superior protection measures, leadership, and professionalism to a company that can provide long-term employment and job security.
(Isang lisensyadong security guard na may apat na taon na karanasan sa pagtaguyod ng kaligtasan at pagpigil ng krimen sa pribado at pampublikong lugar at ari-arian. Marunong sa paggamit ng CCTV systems, sa pagronda ng malalaking gusali, ang pagbantay sa pagpasok at paglabas ng tauhan, at ang pag-inspekta ng mga kagamitan. Nangangakong magbibigay ng mataas na kalidad na seguridad at serbisyo sa kumpanya na makakapagbigay ng trabahong pang-matagalan at benepisyo.)
Work Experience
Ilista ang mga napag-daanan mong trabaho, gamit ang sumusunod na format: posisyon, pangalan ng dati mong kumpanya, at ang petsa kung kailan ka nagsimula at umalis sa trabaho. Simulan sa pinaka-huling trabahong pinasukan, paatras.
Gamit ang bullet points, maaari mo ring isaad ang mga nagampanang katungkulan at kakayahang napatunayan o nakasanayan mo na sa dating mga pinasukan. Ipahayag sa hirer ang lawak ng iyong karanasan bilang mahusay at mapagkakatiwalaang security guard.
Example:
Security Guard
XYZ Corporation, Pasig City
April 2015 -- October 2019
Key Skills
Bagama't kailangan dumaan sa pagsusulit para magkaroon ng lisensyang gampanan ang pagiging security guard, mahalaga pa rin na ilista ang lahat ng mga kasanayan at kakayahang nakamit na maaring makatulong sa kahusayan mo sa pagiging security guard. Hindi kailangan na magmula ito lahat sa dati mong pinasukan bilang security guard, lalo na't kung unang pag-a-apply mo ito - maaari din itong manggaling sa kalawakan ng karanasan mo sa iba't-ibang trabahong pinasukan.
Ito ang tinatawag na transferable skills, o mga kasanayan na natutunan mo, maging sa paghahanap-buhay man o sa sariling pamumuhay, na maaaring magamit sa trabahong hinahangad pasukin. Ilan sa mga pinaka-angkop na transferable skills ang mga sumusunod:
Natutunan mo man ang mga ito bilang security guard o sa ibang trabahong nagampanan, maaring ikaangat mo sa ibang kandidato ang pagpapahayag ng pagkakaroon ng mga kakayahang ito. Kaya isiping mabuti at isalarawan ang lahat ng kakayahan mong makabuluhan sa papasukan, at tiyaking makatotohanan ito sa iyong karanasan.
Resume SampleÂ
Kailangang gumamit ng propesyonal na format, kabilang ang font type at kulay nito. Hangga't maaari, gawing isa hanggang dalawang pahina lamang ang iyong resume. Matapos maisulat ang first draft ng resume, daanan muli para maiwasan ang mga mali sa spelling at grammar.
Mahalaga ang seguridad at proteksyon sa pang-araw-araw na pamumuhay at paghahanap-buhay, at may mga namumukod-tanging magagaling sa paniniguro ng kaligtasan ng nakararami. Kung isa ka na rito at interesado kang mag-apply bilang security guard, simulan sa paghahanap ng mga opening at iba pang #JobsThatMatter sa Jobstreet website na may malawak na database ng mga job listing mula sa mga pinaka-respetadong kumpanya sa Pilipinas.
Kung naghahanap ka ng trabahong mapagsisimulan kaagad, i-update ang Jobstreet profile.
At Jobstreet, we believe in bringing you #JobsThatMatter. As a Career Partner, we are committed to helping all jobseekers find passion and purpose in every career choice. And as the number 1 Talent Partner in Asia, we connect employers with the right candidates who truly make a positive and lasting impact on the organisation.
Discover Jobs That Matter. Visit Jobstreet today.
About SEEK Asia
SEEK Asia, a combination of two leading brands Jobstreet and Jobsdb, is the leading job portal and Asia's preferred destination for candidates and hirers. SEEK Asia's presence span across 7 countries namely Hong Kong, Indonesia, Malaysia, Singapore, Thailand, Philippines and Vietnam. SEEK Asia is part of the Australian Securities Exchange-listed SEEK Limited Company, the world's largest job portal by market capitalization. SEEK Asia attracts over 400 million visits a year.
About SEEK Limited
SEEK is a diverse group of companies, comprising a strong portfolio of online employment, educational, commercial and volunteer businesses. SEEK has a global presence (including Australia, New Zealand, China, Hong Kong, South-East Asia, Brazil and Mexico), with exposure to over 2.9 billion people and approximately 27 per cent of global GDP. SEEK makes a positive contribution to people's lives on a global scale. SEEK is listed on the Australian Securities Exchange, where it is a top 100 company and has been listed in the Top 20 Most Innovative Companies by Forbes.