Kasama ng iyong resume, CV o biodata, ang application letter o liham aplikasyon sa trabaho ay mahalaga na ipadala sa mga kumpanya para mapansin ka ng mga recruiter. Ito ay isang simple at maikling sulat kung saan ipapakilala mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng paglista ng mga kakayahan at work experience.
Mahalaga ang application letter sa paga-apply ng trabaho upang tumaas ang tsansang makakuha ng job interview. Sundan ang aming mga tips, sample template at halimbawa ng liham aplikasyon.
Sa unang talata, batiin ang hirer. Ipakilala ang sarili at banggitin ang job position na ina-applyan, at saan mo ito nakita. Banggitin din ang kasalukuyang trabaho kung meron man.
Petsa
Pangalan ng Kumpanya
Para sa Recruiter ng Kumpanya:
Magandang araw!
Ako po si Angela, isang graduate ng ABM track ng K-12 at vocational course sa TESDA. Nakita ko sa JobStreet na nangangailangan kayo ng staff sa opisina at nais ko mag-apply.
Magbigay ng mga detalye tungkol sa sarili na makatutulong sa iyong aplikasyon. Ito ay makakatulong sa pag-kumbinse sa hirer na ikaw angkop para sa posisyon.
Kakatapos ko lang sa pag-aaral ngunit nakapagtrabaho na ako sa isang tanyag na fast food chain. Nakatulong sa pagtatapos ko ang pagiging working student, at dahil sa sipag at tiyaga, pinagsabay ko ang pagtatrabaho at pag-aaral. Mayroon akong dalawang taon na experience bilang crew member.
Kinuha ko ang ABM track sa senior high dahil alam ko na makakatulong ito sa pagkuha ng trabaho. Madalas din akong nakikilahok sa mga programa sa iskwelahan, gaya ng student council activities. Ako po ay nakakuha rin ng dagdag na vocational course sa TESDA para lalong lumawak ang aking kaalaman. Kalakip ng sulat na ito ay ang aking resume at mga certificate na natanggap sa training.
Tapusin mo ang iyong sulat sa pamamagitan ng pagpapasalamat sa recruiter. Gamitin mo rin ang pagkakataon na ito para ipaalam sa kumpanya na ikaw ay masaya para sa pagkakataong makapag-apply, at umaasa ka na sumagot sila.
Salamat sa pagbasa ng aking liham sa pag aaply ng trabaho at sa pagkakataon na makapagtrabaho sa inyong kumpanya. Kalakip ng liham na ito ang aking resume. Maaari nyo po ako tawagan sa anumang oras na nais ninyo at handa po akong magtungo sa inyong tanggapan para sa isang panayam.
Lubos na gumagalang,
Angela Cruz
Sa dami ng aplikasyon na natatanggap ng mga kumpanya araw araw, mayroon lamang silang ilang minuto upang mag-desisyon kung ikaw ay kwalipikado sa trabaho na ina-applyan mo. Para makuha ang atensyon ng recruiter, igsian mo lamang ang iyong sulat at siguraduhin na mababasa nila lahat ng importante na impormasyon. Siguraduhin rin na ito ay malinis at mabilis maintindihan para mas mataas ang tsansa mo na makakuha ng interview.
Kahit anong propesyon o posisyon ang iyong pinag-a-applyan, kailangan bigyan din ng halaga ang liham sa pagaapply ng trabaho. Siguraduhin rin na ang iyong JobStreet Profile ay kumpleto ng iyong detalye na-update. Sa ganitong paraan, mas makikilala ka ng mga kumpanya na gusto mo pasukan. Para sa dagdag na payo sa paghahanap ng trabaho, ugaliing bisitahin ang JobStreet Career Resources Hub.
Gaano kahaba dapat ang isang application letter?
Ang isang application letter ay hindi dapat lumampas sa isang pahina
Ano ang mga dapat iwasan sa pagsulat ng application letter?
Iwasan ang mga sumusunod na pagkakamali sa pagsulat ng application letter:
-Hindi pagtukoy kung anong posisyon ang inaapplyan at
-Mali-maling spelling at grammar.
-Masyadong pormal na pagsusulat.
Kailan dapat magpadala ng follow-up letter?
Maaring magpadala ng follow-up letter pagkatapos ng isa o dalawang linggo matapos ipadala ang application letter.
Ano ang wikang dapat gamitin sa application letter: Tagalog o Ingles?
Maaaring gamiting ang parehong wika kung nag-aapply sa isang lokal na kumpanya. Pero kung nag-apply sa isang internasyonal na kumpanya, mas mabuting isulat ito sa Ingles.
At JobStreet, we believe in bringing you #JobsThatMatter. As a Career Partner, we are committed to helping all jobseekers find passion and purpose in every career choice. And as the number 1 Talent Partner in Asia, we connect employers with the right candidates who truly make a positive and lasting impact on the organization.
Discover Jobs That Matter. Visit JobStreet today.