Paano mag-resign sa trabaho - Tips sa pag-reresign nang maayos

Paano mag-resign sa trabaho - Tips sa pag-reresign nang maayos
Jobstreet content teamupdated on 29 May, 2024
Share

Hindi madaling mag-resign sa trabaho, lalo na kung napalapit ka na sa iyong mga ka-opisina. Dahil din sa pandemya, maraming empleyado ang pinipiling manatili sa kanilang pinagtatrabahuhan para masigurado ang kanilang sweldo at benepisyo. Ngunit nakakatakot mang sumugal at mag-resign, hindi ka dapat pigilan ng mga rason na ito, lalo na kung may ibang mga oportunidad na naghihintay sa iyo.

Kung buo na ang loob mo na magresign mula sa trabaho, dapat mong alamin kung paano ito gawing nang maayos. Ano nga ba ang mga dapat mong gawin para makapag-iwan ng magandang reputasyon sa iyong boss at mga ka-opisina? Gamitin ang mga tips ng ito para mag-resign sa tamang paraan.

Unang ipaalam ang iyong desisyon sa iyong boss, manager, o supervisor

Mabilis kumalat ang balita sa opisina, lalo na sa mga maliliit na organisasyon. Kung balak mo nang mag-resign, subukan mong mag-schedule ng meeting sa iyong boss para pag-usapan ito. Kung maari, ang iyong boss ang dapat na unang makaalam ng iyong desisyon. Subukang "˜wag itong ikwento kahit sa mga ka-opisinang pinakamalapit sa iyo, liban na lamang kung gusto mong kumonsulta sa kanila tungkol sa iyong plano. Sa ganitong paraan, maiiwasan mo ang pagkalat ng maling balita tungkol sa iyong pagbibitaw. Siguradong ma-a-appreciate din ito ng iyong boss at maiiwasan mong magkaroon ng lamat ang inyong relasyon.

Ihanda ang iyong resignation letter

Para masimulan ang opisyal na proseso ng iyong pagbibitiw, kailangan mong maghanda ng sulat ukol sa iyong pag-reresign. Ikaw ba ay nag-resign dahil nais mong sumubok sa ibang propesyon? Kailan ang iyong huling araw sa opisina? Sa sulat na ito, ipahiwatig mo ang iyong desisyon, ang mga kadahilanan ng iyong pagre-resign, at kung hanggang kailan ka nalang mananatili sa iyong posisyon.

Isipin mong mabuti kung makakatulong bang isama mo ang iyong mga agam-agam tungkol sa iyong opisina. Laging tandaan na ito ay isang opisyal na dokumentong itatago ng organisasyon na iyong pinagtatrabahuhan; kaya iwasang magsama ng mga impormasyong hindi makakatulong sa iyo kalaunan.

Magdala ng printed version ng sulat na ito sa iyong meeting kasama ang iyong boss. Pakiusapan ang iyong boss na lagdaan ang iyong sulat, pati na rin ang kopya na itatago mo.

Humanap ng tamang oras para ipaalam ang iyong pagreresign sa iyong mga katrabaho

Ano man ang iyong posisyon o tungkulin sa organisasyong, panigurdong may epekto ang iyong pagbibitiw sa mga taong katrabaho mo. Dahil dito, mas mainam kung sa iyo nila mismo malalamang nag-resign ka na. Humanap ng tamang tiyempo para ipaalam ito sa kanila. Maari mo ring ibahagi sa kanila ang iyong mga personal na kadahilan sa pagre-resign, basta't siguraduhin mong hindi mong wala kang sasabihing masama tungkol sa iyong employer at wala kang ibabahaging kumpidensyal na impormasyon.

Tumulong para mapadali ang transition period

Ano man ang dahilan ng iyong pagbibitiw, kailangan mong tumulong para mapadali ang paglipat ng iyong mga resposibilidad sa taong papalit sa iyo. Hindi propesyonal na gawaing bitawan laman ang iyong mga responsiblidad dahil laman ikaw ay nag-resign na. Bilang isang empleyado, kasama sa iyong pananagutang tumulong para masiguradong hindi masisira ang proseso ng iyong team o department. Ihanda ang mga importanteng dokumentong kakailanganin ng iyong kahalili. Maaari mo ring personal na i-endorse ang papalit sa iyo sa mga contacts na makakatrabaho niya. Sa ganitong paraan, makikita ng iyong mga ka-opisinang pinahahalagahan at nirerespeto mo ang proseso ng inyong organisasyon.

Personal na magpasalamat sa mga taong nakatulong sa iyo

Bilang parte ng organisasyon, siguradong mayroong mga taon lagi mong nakakasalamuha sa opisina. Direkta mo man silang nakakatrabaho o hindi, ang mga taong ito ay nakatulong sa iyo, kahit sa maliliit na pamamaraan. Bago pa man dumating ang iyong huling araw sa opisina, personal mo silang palasamat sa tulong na ibinigay nila sa iyo. Kung nais mo silang makatrabaho ulit o kung may posibilidad na magamit mo sila bilang personal references sa iyong paga-apply, maari mo ring gamitin ang oportunidad na ito para tanungin sila ukol dito.

Planuhin ang iyong susunod na gagawin

Sa iyong pagreresign, panahon na para alamin mo kung ano pang mga oportunidad ang naghihintay sa iyo. Alamin kung mataas ba ang demand para sa mga empleyadong tulad mo. Anong klaseng trabaho ba ang maari mong lipatan? Aling organisasyon ang naghahanap mga kakayanang meron ka? Paano mo maipapahiwatig sa kanilang gusto mong mag-apply sa kanila? Meron kang kapangyarihang magpasya kung saan ka pupunta.

Meron ding iba't ibang paraan para mapadali mo ang paghahanap ng iyong susunod na trabaho! I-update ang iyong resume at gamitin ito para i-update din ang iyong profile sa Jobstreet. Gamitin ang #WorkNow sa iyong profile upang ipaalam sa mga kumpanya na interesado kang magtrabaho sa kanila.

FAQ

  1. Paano dapat ipa-alam sa employer na magreresign ka?
    Ipa-alam sa employer na magreresign ka sa pamamagitan ng isang opisyal na resignation letter.

  2. Ano ang mga dapat ilagay sa isang resignation letter?
    Dapat nilalaman ng resignation letter ang mga sumusunod:

    -⁠Pormal na pagpapaalam sa kumpanya
    ⁠-Petsa ng huling araw ng trabaho
    ⁠-Pasasalamat sa kumpanya at mga katrabaho
    -⁠Maikling paliwanag sa dahilan ng pagreresign

  3. Ano ang mga dapat alalahanin bago magresign?
    Bago magresign, siguraduhing tapos na ang mga proyektong naka-atas sa'yo. Kung hindi ito kaya, tulungan ang kumpanya na ipasa ang mga proyekto me sa iyong kasunod.

  4. Gaano katagal dapat ang abiso sa employer kapag magreresign
    Ayon sa Labor Code, ang mga regular na empleyado ay dapat mag-abiso ng isang buwan bago ang huling araw ng pasok nito.

  5. Ano ang mga dapat iwasan kapag magreresign?
    Iwasan ang pag-alis ng walang paalam, paninira sa mga katrabaho, o pagrereklamo tungkol sa kumpanya. Maaaring magbigay ng feedback sa exit interview kung tatanungin ka ng interviewer. Pero siguraduhing propesyonal ang iyong feedback.

At JobStreet, we believe in bringing you #JobsThatMatter. As a Career Partner, we are committed to helping all jobseekers find passion and purpose in every career choice. And as the number 1 Talent Partner in Asia, we connect employers with the right candidates who truly make a positive and lasting impact on the organization. 

Discover Jobs That Matter. Visit JobStreet today. 

About SEEK Asia

SEEK Asia, a combination of two leading brands JobStreet and JobsDB, is the leading job portal and Asia's preferred destination for candidates and hirers. SEEK Asia's presence span across 7 countries namely Hong Kong, Indonesia, Malaysia, Singapore, Thailand, Philippines and Vietnam. SEEK Asia is part of the Australian Securities Exchange-listed SEEK Limited Company, the world's largest job portal by market capitalization. SEEK Asia attracts over 400 million visits a year.

About SEEK Limited

SEEK is a diverse group of companies, comprising a strong portfolio of online employment, educational, commercial and volunteer businesses. SEEK has a global presence (including Australia, New Zealand, China, Hong Kong, South-East Asia, Brazil and Mexico), with exposure to over 2.9 billion people and approximately 27 percent of global GDP. SEEK makes a positive contribution to people's lives on a global scale. SEEK is listed on the Australian Securities Exchange, where it is a top 100 company and has been listed in the Top 20 Most Innovative Companies by Forbes.

More from this category: Resigning

Subscribe to Career Advice

Get expert career advice delivered to your inbox.
You can cancel emails at any time. By clicking ‘subscribe’ you agree to Jobstreet’s Privacy Statement.