Napakahalaga ng trabaho ng isang kasambahay sa Pilipinas. Sila ay mga katuwang at katulong sa gawaing-bahay tulad ng paglilinis, pagluluto, pag-aalaga ng bata, at iba pa.
Pero madali ring naaabuso ang mga kasambahay. Kaya noong 2013, ipinasa ang Republic Act No. 10361 o Domestic Workers Act. Ito ay mas kilala bilang Kasambahay Law.
Nakasaad sa batas na ‘to ang mga karapatan at pribilehiyo ng isang kasambahay. Mahalagang pag-aralan ang Kasambahay Law upang makaiwas sa pang-aabuso at pang-mamaltrato.
Narito ang mga karapatan ng kasambahay ayon sa batas na ito:
Nararapat na tratuhin ang kasambahay nang may respeto at dignidad. Hindi sila maaaring saktan, apihin, o abusuhin ng employer o sino mang miyembro ng pamilya nito. Ito ay maging anumang paraan na makaka-baba sa dignidad ng kasambahay.
Sasagutin ng employer ang mga basic na pangangailangan ng kasambahay:
Gagalangin ng employer ang privacy ng kasambahay sa lahat nang oras at sa ano mang klase ng komunikasyon. Kasama rin dito ang pagrespeto sa personal na gamit ng kasambahay.
Maaaring makipag-ugnayan ang kasambahay sa ibang tao sa kanyang free time. Kung mayroong emergency, maaaring makipag-ugnayan ang kasambahay kahit oras ng trabaho.
Dapat makatanggap ang kasambahay ng sweldong hindi bababa sa minimum wage. Simula Enero 2024, ang minimum wage para sa mga kasambahay sa National Capital Region ay ₱6,500.
Kung may isang buwan nang nasa serbisyo ang kasambahay, maaari na siyang makatanggap ng thirteenth-month pay. Ito ay hindi dapat bababa sa 1/12 ng kanyang total basic na sahod sa buong taong iyon.
Kung may isang buwan nang nasa serbisyo ang kasambahay, dapat ay makatanggap na siya ng mga benepisyo tulad ng:
Maaaring pautangin ng employer ang kasambahay, ngunit ang ipapa-utang ay hindi pwedeng humigit sa halaga ng anim na buwang sweldo nito. Maaari ring gumawa ng kasunduan ang employer at kasambahay upang ibawas sa sweldo nito ang pambayad sa utang. Pero hindi maaaring lumagpas sa 20% ng kanyang sahod ang ikakaltas kada buwan.
Ang kasambahay ay may karapatan na:
Ang araw ng pahinga ay dapat nakasulat sa kontrata ng employer at kasambahay. Nararapat na respetuhin ng employer ang piniling araw ng kasambahay kung may kinalaman ito sa kanyang relihiyon.
Kung may isang taon nang nasa serbisyo ang kasambahay, karapatan niyang magkaroon ng limang (5) araw na service incentive leave.
Bibigyan din ng pagkakataong matapos ng kasambahay ang kanyang basic education. Papayagan siyang pumasok sa mga alternative learning systems (ALS). Kung kakayanin, maaari rin siyang magpatuloy sa mas mataas na edukasyon o training. Maaaring ayusin ang oras ng trabaho ng kasambahay upang magawa pa rin nito ang kanyang trabaho habang nag-aaral.
Karapatan ng kasambahay na sumali sa mga organisasyon ng manggagawa para sa mutual aid at collective negotiation. Hindi maaaring pigilan ang kasambahay na dumalo sa mga pagpupulong ng organisasyon sa free time nito.
Maaaring tapusin ng kasambahay ang kanyang kontrata sa anumang oras para sa mga sumusunod na dahilan:
Importante ang trabaho ng mga kasambahay. Kung makakahanap ka ng mabuting employer, maaaring kang kumita at makapag-ipon. Pwede ring makapag-aral at matuto ng ibang mga skills habang namamasukan.
Huwag kalimutang pag-aralan ang mga karapatan mo bilang kasambahay sa ilalim ng Kasambahay Law. Tandaan na nariyan ang mga batas na ‘yan para sa iyong proteksyon at kalusugan.