7 Legit Jobs Na Nagbibigay ng Weekly Pay

7 Legit Jobs Na Nagbibigay ng Weekly Pay
Jobstreet content teamupdated on 13 April, 2022
Share

7 Legit Jobs Na Nagbibigay ng Weekly Pay

Bilang manggagawa, di na bago sa atin ang "petsa de peligro" kung saan tayo ay nangangailangan nang mag-sakripisyo ng ilang bagay para lamang makaabot sa susunod na sweldo. Nakagisnan na natin ang sweldong isa o dalawang beses kada buwan ang pasweldo, pero hindi naman ibig sabihing ito lang ang available sa job market. Sa pamamagitan ng tamang paghahanap, maaaring makakita ng legit jobs that pay weekly o yung mga kumpanya na merong weekly salary arrangement sa kanilang mga empleyado.

Karamihan ng mga posisyong ito ay outsourced, o hired ng local companies para sa kanilang overseas clients. Dahil dito, maaaring hindi magkatugma ang kanilang work hours sa atin. Gayunpaman, competitive ang kanilang salary offer.  

Dagdag na advantage na rin ang pagkakaroon ng Work From Home (WFH) arrangement lalo na sa gitna ng kasalukuyang pandemya. Sa panahon ngayon, dumadami na rin ang options para sa mga online jobs.

Maging fresh graduate man o naghahanap ng panibagong karanasan sa trabaho, narito ang 7 legit jobs na maaaring may weekly pay. 

Sales and Marketing Associate/Representative(Average annual base pay: Php 218,150)

Malawak ang industriyang sales and marketing, at madalas hindi ito nag-re-require ng malawak na work experience. Sa indutriyang ito, ang kikitain sa commission ang hinahabol ng candidate at dahilan din kung bakit marami ang nagugustuhan ito. Performance-based ang mga trabaho dito, at may mga company na hindi naglalagay ng limit sa maaaring kitain ng empleyado. Ibig sabihin, ang kikitain mo ay maaaring lumaki habang humuhusay at sinisipagan mo ang trabaho.

Specialized IT Jobs(Average annual base pay: Php 267,304)

Hindi nakakapagtakang mga trabaho sa larangan ng IT ang may pangangailangan ng mga empleyadong makakapagtrabaho online. Kabilang ang technical skills, level of expertise, at work experience sa pinakamahalagang requirements ng posisyon. Ang mga specialized skills tulad ng kaalaman sa .Net, coding, o web development ay mga common na hinahanap ng mga company. Dahil ito ay mga trabahong software ang ginagamit, maaari din maging home-based ang mga trabahong ito.      

Social Media Marketer(Average annual base pay: Php 297,346)

Malawak ang mundo ng social media, at maraming paraan para kumita sa industriya. Ang mga expertise sa ads, analytics, at insights ay kabilang sa mga skills na hinahanap ng mga online marketer. Dahil online-based din ang trabahong ito, maaaring kang magkaroon ng WFH setup lalo na kung maganda ang iyong connection sa bahay.   

Virtual Assistant(Php 191.45 / hour)

Dumadami na rin ang mga startup companies lalo na sa Technology sector, ngunit walang physical office ang ilan sa kanila. Dahil dito, madalas na naghahanap ng virtual assistants ang mga tech companies. Kabilang sa job description ng isang virtual assistant ang pag-plano or schedule ng mga meeting, pag-research, pag-analyze, pag-report, at iba pang administrative work. Hindi kailangan ng experience para sa trabahong ito, kung kaya't maaari din itong maging paraan para kumita kahit nasa bahay lamang. 

Administrative Assistant(Average annual base pay: Php 182,329)

Katulad ng Virtual Assistant, inaatasan ang administrative duties ng kumpanya sa isang Administrative Assistant. Maaari din itong gawin sa opisina o kaya sa bahay. Bilang nasa ibayong-dagat ang mga kumpanyang nangangailangan dito, mahalaga ang English proficiency.  Kahit ang mga fresh graduate ay maaaring mag-apply sa mga trabahong ito. 

Accountant(Php 40,000 to Php 80,000/month)

Dahil sa pagdami ng mga virtual offices, ang pangangailangan na mag-shift sa WFH setup ng mga dating office-based jobs ay tumataas din. Dahil dito, maaari itong i-explore ng mga lisensyadong professionals tulad ng mga certified public accountant. 

Customer Service Representative(Average annual base pay: Php 302,874)

Ang mga CSR roles ay hindi kailangang customer-facing o di kaya'y sa opisina lamang magagawa. May mga roles na rin na may full-time WFH arrangement, at hindi nito kailangan ng extensive work experience kaya maaaring mag-apply ang mga baguhan sa industriya o ng mga fresh graduate.  

Makakatulong ang JobStreet sa inyong paghahanap ng mga legitimate na positions available sa job market, making part-time o full-time, work-from-home o kaya in-office. Simulan ang job search sa pag-update ng inyong JobStreet Profile!

Para sa iba pang tips na makakatulong sa inyong career, bumisita sa Career Resources page.

* Source for salary information: Payscale

 

At JobStreet, we believe in bringing you #JobsThatMatter. As a Career Partner, we are committed to helping all jobseekers find passion and purpose in every career choice. And as the number 1 Talent Partner in Asia, we connect employers with the right candidates who truly make a positive and lasting impact on the organization.

Discover Jobs That Matter. Visit JobStreet today.

About SEEK Asia

SEEK Asia, a combination of two leading brands JobStreet and jobsDB, is the leading job portal and Asia's preferred destination for candidates and hirers. SEEK Asia's presence span across 7 countries namely Hong Kong, Indonesia, Malaysia, Singapore, Thailand, Philippines and Vietnam. SEEK Asia is part of the Australian Securities Exchange-listed SEEK Limited Company, the world's largest job portal by market capitalization. SEEK Asia attracts over 400 million visits a year. 

About SEEK Limited

SEEK is a diverse group of companies, comprising a strong portfolio of online employment, educational, commercial and volunteer businesses. SEEK has a global presence (including Australia, New Zealand, China, Hong Kong, South-East Asia, Brazil and Mexico), with exposure to over 2.9 billion people and approximately 27 per cent of global GDP. SEEK makes a positive contribution to people's lives on a global scale. SEEK is listed on the Australian Securities Exchange, where it is a top 100 company and has been listed in the Top 20 Most Innovative Companies by Forbes.

More from this category: Salary advice

Subscribe to Career Advice

Get expert career advice delivered to your inbox.
You can cancel emails at any time. By clicking ‘subscribe’ you agree to Jobstreet’s Privacy Statement.